Chapter 14

1.6K 87 90
                                    

Xia

HINDI maipinta ang mukha ni Shone habang nakatingin sa akin.

Paano ba naman kasi, Hindi ako pumayag na sumama sa kanya, Gusto niya kasing makipag road trip kaya lang marami pa kaming gagawin sa school kaya para siyang bata kong mag maktol.

"Sige na kasi! Ako naman ang may-ari nang school kaya, Pwede akong hindi pumasok kahit isang linggo pa," Ang kulit talaga ng lalaking to.

"Oo nga, Ikaw ang may-ari. Pero, ako hindi. Kaya hindi pwede. Sa Week ends nalang." Mas lalo lang sumimangot ang mukha niya.

"But Sunshine--"

"Hindi talaga, Buti pa tulungan mo nalang ako sa paggawa ng project para mapabilis na to." Halos humaba na ang nguso ni Shone dahil sa pagmamamaktol niya.

"Bakit ba kasi gusto mong mag road trip tayo? Chaka sayang lang yun sa oras alam mo ba yun? May mas mahalagang bagay ang dapat nating gawin kaysa pumasyal--" Napahinto ako sa pagsasalita ng napalingon ako kay Shone at seryoso siyang nakatingin sakin.

"Ayaw mo ba talagang sumama sa akin? Naligo naman ako ng mabuti kanina. Inayos ko naman ang sarili para lang sayo, Sa palagay ko naman gwapo naman ako ngayong umaga. I don't understand. Why, you don't want me!" Malakas kung hinampas ang mesang nasa gitna naming dalawa.

"Nag-iinarte kana naman, Ano bang problema mo?" Yumuko siya at halos hindi makatingin sakin.

"Pakiramdaman ko kasi parang ako lang ang gusto kang makasama, tapos ikaw palagi kang ilap saki---

"Hays!, Hindi ko akalain na ganito pala ka OA si Shone Smith pagdating sa babae." Nagulat ako ng akbayan ako ni Joshua, Umupo naman sa tabi ni Shone si Ford at Bryan.

"Shut up, Mainit ang ulo ko kaya!" Nilagay ni Shone ang bag sa mesa at doon pinatong ang ulo at pumikit. 

"Pagbigyan mo na siya, Minsan lang magyaya ang isang yan. Kami ng bahala sa lahat" Sinimangotan ko si Joshua,

"Busy nga ako, tsaka hindi ako sanay, Nakakapagod lang yun" Mas lalong humigpit ang akbay ni Joshua sa akin.

"Sige na, samahan mo na siya. Please!" Nagtataka akong napatingin  kay Joshua.

"At bakit naman?" Binatawan ako ni Joshua mula sa pagkakaakbay at halos lumuhod na siya sa harap ko at hinawakan ang kamay ko.

"Sige na samahan mo na siya, Parang awa mo na. Bilang kaibigan mo yun lang hihilingin ko sayo, Kahit anong kapalit ang hilingin mo sakin," Ang weird talaga ng taong to, Bakit ba kasi kailangan samahan ko si Shone sa gusto niyang gala.

"Tsk, Kung ikaw nalang kaya sumama! Bakit kailangan ako pa!" Mga taong to, Palibhasa mayayaman kaya walang problema kong gumala ng gumala dahil hindi naman mauubusan ng pera.

"Kung pwede lang ginawa ko yun, Kaya lang ikaw ang gusto niyang makasama. Ewan ko ba sa lalaking to, Mahal na Mahal ko kaya siya..."

"Kabaklaan mo na naman Guzman! Gusto kong masuka sa pinagsasabi mo dyan!" Binato pa ni Bryan si Joshua ng dala nitong bag.

"Tumigil ka nga, Kinukumbinsi ko nga siya diba. Kulit mo naman!" Napalingon ako kay Ford na may nakalagay na airphone sa tenga. Mag katabi silang dalawa ni Shone at parehong nakapikit  ang mata.

Si Ford lang talaga ang hindi ko makausap sa mga kaibigan ni Shone, Nakakatakot kasi siyang kausapin. Kadalasan tahimik siya hindi kagaya ng dalawa na madaldal at mas nauuna pang kumausap sakin.

Hay, Pero. Kung iisipin mas maganda naman ng talaga kong samahan ko si Shone.  Pinatong ko ang dalawang siko sa mesa at nangalumbaba, Tinitignan ko si Shone na natutulog, Sasama naman talaga ako gusto ko lang siyang inisin.

Accidentally Mine(Completed)Where stories live. Discover now