Chapter 12

1.9K 95 61
                                    

-xia

TULALA parin ako dahil sa sinabi ni Shone. Ano ba kasi yun alam ko naman na doon kami papunta pero masyado naman maaga diba? Charot lang... at anong susunod mahal na niya ako. *flip hair*

Buma-byahe na kami ngayon pabalik samin, may pasok na kasi kami mamaya Kaya maaga palang bumiyahe na kami., pagkatapos niya kasing sabihin na he likes me. Hindi ako makapagsalita.. at sinabi ko nalang na gusto ko nang magpahinga. Pero buong magdamag hindi talaga ako makatulog dahil kakaisip sa sinabi niya.

"Hey" nagulat pa ako nang tapikin ako ni Shone.

"B-bakit?"

"Do you want to eat first? Baka nagugutom kana?" Napakagat labi ako. Ang awkward sa pakiramdam, Hindi ako sanay na ganito ang nararamdaman ko. Gusto ko siyang iwasan kaya lang hindi ko din alam kong paano.

"K-kung yan ang gusto mo, S-sige"Iniiwasan ko talaga ang mga mata niya.

Hindi pa kasi namin napag-usapan ang tungkol don. Ayaw ko din naman magtanong sa kanya. Ang awkward kaya noon..

May na daan kaming restaurant kaya nag park muna si Shone. Inalalayan niya akong makalabas ng kotse., at pinag buksan ako nang pinto pagpasok sa restaurant. Ang pakiramdam ko hindi totoo ang lahat ng ito, Talaga kayang gusto niya ako? Paano nangyari yun? Sigurado kaya siya? Paano kong pinaglalaruan niya lang ako?

"Hindi mo naman, Kailangang gawin to, Kaya ko naman" Naiilang kong sabi.

"Let me do it for you,"

"Okay?" Pagpasok namin kami palang ang customer. Lumapit agad samin ang waitress. Basta gwapo talaga madami agad lumilingon.

"Here is the menu Sir" Nakangiting sabi niya kay Shone. Hindi man lang ako pinansin ni Ate. Kita ko pang nagningning ang mga mata ng waitress habang nakatitig kay Shone.

"Anong gusto mong kainin?" Ngumiti sakin ni Shone. Tiningnan ako ni ateng waitress at umiirap pa. Bahala siya dyan, kahit magalit pa siya sakin ako naman ang kasama.

"Ah, ikaw nalang pumili. Ok lang" ngumiti sakin si Shone bago tumingin sa menu.

"This and this" Sabi niya habang maytinuturo sa menu, "Do you want coffee?" tanong niya sakin at Tumango ako "And two coffee please, thank you"

"Ahm.. Xiamara about. Ahm.. about what i told you last night--"

"Okay lang kong binabawi muna yun. Hindi ko naman sineryoso, alam ko naman na biro lang yun eh," kumunot ang noo niya.

"I mean it, hindi ako nag bibiro sa mga sinabi ko sayo kagabi. Just please give me chance to prove to you at I am serious about you" Naguguluhan na talaga ako, Para kasing panaginip ang lahat ng to, Sa sobrang bilis ng mga pangyayari hindi ko na masundan ng tama.

Hindi ko na alam ang gagawin.

"Just give me a chance, Please?" Hinawakan niya ang kamay kung nasa ibabaw nang mesa,

"Pero bakit ako Shone? Hindi naman ako maganda? Hindi kami mayaman. Wala nga akong maipagmamalaki. Chaka hindi mo pa ako masyadong kilala diba? Hindi mo ba naisip na baka masamang tao ako.? Chaka diba sabi mo bawal ako ma inlove sayo? Chaka, Hindi naman kami mayaman, magkaiba tayo. Alam mo yun. " Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko. Ayaw kong maging komplekado ang lahat,

Kong maari ayaw kong isali ang puso ko dito, Kaya lang nanyari na. At hindi ko na alam kong paano ko pa pipigilan ng nararamdaman ko.

"I don't care about that things, kaya nga kita liligawan para makilala, at wala akong pakialam sa mga yun, all that matters to me is you. From now on I'm breaking the rules ang kailangan ko ay mahulog ka sakin." Hindi ko alam ang sasabihin,

Accidentally Mine(Completed)Where stories live. Discover now