Chapter 16

1.6K 80 81
                                    

Xia

PAANO ako gigising sa umaga kong wala na yung taong rason kong bakit ako nabubuhay, Paano ko haharapin ang lahat ng may tapang na taglay.

Habang nakatingin ako sa Mama kong nakatulala. Ramdam na ramdam ko yung pagkukulang.

Ramdam kong wala na nga talaga si Papa.

"Ma, Kakain na tayo, May trabaho pa po kayo," pinasigla ko ang boses ko para lang ipakita kay Mama na okay lang ang lahat sakin.

Tumayo naman siya at nagpunta sa kusina.

"Pasensya na anak. kung nagkakaganito ako. Alam ko nahihirapan ka rin. Kaya lang sobrang hirap talaga na wala na ang Papa mo," May kaunting luha na pumatak sa mata ng Mama ko at agad din naman niya yung pinunasan.

Mag iisang buwan ng wala si Papa. Pero, Yung sakit na nararamdaman naming dalawa ni Mama. Ay parang kahapon lang yun nangyari. Hindi yung nagbago kahit isang buwan na ang nakalipas.

At gabi gabi ay naririnig kong umiiyak si Mama sa kuwarto nila.

Nong minsan nga nahuli ko siyang umiiyak, Yakap ang damit ng Papa ko.

Hindi ko kayang tingnan siya ng ganoon, At wala din akong magawa dahil ganoon din naman ang nararamdaman ko.

"Kaya natin to Ma, Hindi matutuwa si Papa kapag nakikita niya tayong ganito." Nakangiti kong sabi, Tumango si Mama at pinagpatuloy na namin ang pagkain.

Pagkatapos kumain ay nagpunta na si Mama sa trabaho niya.

Palagi nalang ganito ang routine naming dalawa ng Mama ko.

Gigising, Papasok siya sa trabaho. Ako naman papasok sa eskuwelahan. Kapag uwian pupunta ako sa part time job ko. Kailangan ko kasing tulungan ang Mama ko. Dahil kaming dalawa nalang sa buhay.

Paulit-ulit nalang yun. Hinugasan ko ang pinagkainan namin at naglinis na din ng bahay ng kaunti.

Pagkatapos kong gawin yun lahat ay may narinig akong katok sa pinto.

Pagbukas ko, Nakita ko agad si Shone na nakangiti. May dala pa siyang flowers. Araw araw dumarating siya may dalang bulaklak at sinusundo ako. Siya yung naging sandalan ko nong ng mga panahon na kailangan ko ng karamay. Nandyan siya palagi para pasayahin ako. At nagpapasalamat ako dahil don.

"Ang aga mo yata ngayon?" Nakangiti siyang binigay sakin ang dalang pulang rosas.

"Will, I really want to see you. Kaya maaga akong pumunta para makita ka agad." Tinanggap ko ang nilahad niyang bulaklak at inamoy yun. Palagi akong napapangiti kapag nagiging sweet siya sakin.

Kinuha ko na ang bag ko at inalalayan niya ako para, Makasakay sa kotse niya.

"Hindi mo naman ako kailangang alalayan. Hindi naman ako disable no, "natawa naman siya sa sinabi ko.

"Gusto lang naman kitang alagaan. Hayaan mo nalang ako. Nga pala, Anong oras ang labas mo sa restaurant mamaya?" Bumaling ako sa kanya.

"Ahm.. 11 pm. Bakit?" Isang ngisi lang ang binigay niya sakin. Tinaasan ko naman siya kilay.

"Bakit ganyan ka makangiti sakin? Parang may masama kang balak ah?" Tumawa naman siya,

Ano kayang nakain ng taong to.

"Ikaw, Nakangiti lang yung tao, kapag nakangiti may balak na agad. Ikaw talaga. Dumi ng utak mo," Nagkibit balikat nalang ako, Pinaandar naman niya ang sasakyan.

Palagi nalang ni Shone, Pinagagaan ang lahat para sakin. Kapag malungkot ako nandyan siya lagi para pasayahin ako. Sa mga araw na kasama ko siya, Hindi ako nakaramdam na iniwan niya ako sa ere.

Accidentally Mine(Completed)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα