Chapter 4

3.6K 130 85
                                    

Chapter 4

- xia

HANGGANG ngayon di pa rin ako makapaniwala! Gusto akong maging girlfriend ni Shone! parang ang bilis naman yata non.

Kaya bigla rin akong na lungkot dahil sa sinabi niya.

Flashback,

"Pwede ba kitang maging Girlfriend?" Parang tumalon ang puso ko sa sobrang tuwa, dahil sa narinig ko. Lumaki yata ang butas ng ilong ko dahil doon e, Parang gusto kong mag pa-gulong gulong sa sobrang tuwa. Parang gusto kong tumalon sa terrace dahil sa narinig ko! Pwede pakiulit? Isang beses lang pakiulit naman.

"Ha? Talaga! " Sobrang lawak pa ng ngiti ko. Syempre ang sobrang gwapo ba naman na si Shone alokin ka ba maging girlfriend niya, Baka nahimatay ka pa sa sobrang tuwa.

"Ah, Sorry! What I'm trying to say is, Papayag ka bang magpanggap bilang girlfriend ko, Kasi for sure hindi ako tatantanan ni Stacey, Because she knows that I have a girlfriend " 'Yung abot langit kong saya kanina, Ngayon abot lupa naman 'yung pagka-disappoint ko, Akala ko 'yun na 'yun e, Hindi pa pala, Isa kang malaking paasa Shone!! Alam mo yun? Gusto kong batukan ang sarili ko dahil sa pagka assuming.

"Kasi, Pwede pag isipan ko muna?" Tumalikod nalang ako at tumingin sa langit masyado kasi akong assuming e, Kaya na sasaktan eh. Tuloy ko na kaya pagtalon dito sa terrace ano sa tingin nyo? Sarap mag bigti eh.

End of flashback

"Iwan!" sinubsob ko na lang ang mukha ko sa table na nasa harap ko, Nasa library kasi ako ngayon imbes na mag aral ako. Wala magulo na 'yung utak ko. Paano na ngayon may exam pa naman kami.

"Hoy, Problema mo dyan?" Napaangat ako ng tingin, Si Besty pala. Nakataas ang kilay, Sigurado naiinis to sa'kin magkikita sana kami noong nasa mall ako eh, Kaya lang nandoon si Shone kaya hindi ako nakapunta sa kanya.

Nginitian ko na lang siya ng matamis baka sakaling 'di siya maiinis sa'kin. Tumabi siya sa'kin at kumuha ng fries na kinakain ko. Nasa gilid naman kami kaya hindi ako kita kong kumakain man ako rito.

"Ha? Wala! Kasi diba may exam kaya lang, wala akong sagot kaya ako nagkakaganito" Tinitigan ako ni Besty na parang bang hindi siya naniniwala sa'kin. Alam kong hindi siya naniniwala, kilala na niya ako eh, Alam niya kapag nagsisinungaling ako.

"Sinungaling, Bigwasan kita dyan eh ," Ang brutal talaga ang bestfriend ko. Nagpout na lang ako, Kasi naman naguguluhan ako, Ano papayag na lang na ako na mag panggap bilang girlfriend niya ganoon, Ang gulo matagal ko na siyang crush. First year college pa lang ako. Una ko pa lang siyang nakita crush ko na siya agad. Sinong hindi magkakacrush kay Shone gwapo, Matalino at mayaman. Pero, Hanggang crush lang naman 'yun.

Accidentally Mine(Completed)Where stories live. Discover now