Chapter 8

2.2K 95 72
                                    


Chapter 8

- xia

PAGKATAPOS ng aksidenteng halik na 'yun, Inuwi na ako ni Shone sa bahay. At naging awkward ang buong byahe namin dahil don. Ano ba kasing naisip niya at ginawa niya yun?

At ako naman itong si tanga na pumayag na halikan niya!

Napagalitan pa ako ni Mama kasi matagal akong nakauwi ng gabing 'yun. Tapos hindi pa ako nakatulog dahil sa kakaisip sa nangyari. Tapos ito ngayon si Mama kanina pa katok nang katok sa pinto.

"Xiamara bumangon kana nga dyan, may naghahanap sayo dito sa labas" nag talukbong na lang ako nang unan, sino naman mag hahanap sa'kin ng ganito ka aga!, pinagloloko yata ako si Mama para lang bumangon tiningnan ko ang orasan sa cellphone ko alas singko palang naman!

"Anak! Bumangon ka na nga dyan!" Hay! Bumangon na lang ako at lumapit sa pinto kahit hindi ko na alam kong ano pang itsura ko.

"Ma, Ano ba antok pa ako--"Napatingin ako sa salas, At nanlaki ang mata ko ng makitang nakaupo don si Shone at nakangiti habang nakatingin sa'kin.

Nagising bigla ang diwa ko. At agad bumalik papasok sa kuwarto ko! Walangya! Ano naman kaya ang itsura ko ng makita ako ni Shone. Ang fresh pa naman niya tingnan at ang gwapo niya sa umaga! Tapos ako mukha pa akong iwan!

"Ma! Bakit hindi po kayo nagsabi na may tao pala sa labas!" Humarap agad ako sa salamin. Ang gulo nang buhok ko nagmukha ng pugad ng ibon.

Agad akong tumakbo papasok sa loob ng banyo na nasa kuwarto ko lang din at naligo, Sinigurado kong maayos na ang itsura ko bago lumabas. Nadatnan ko si Shone at Papa na nag-uusap sa salas.

Nang makita ako ni Papa na parating ay tumayo siya.

"Tutulungan ko lang ang Mama mo sa kusina para makakain na tayo" Napatingin ako kay Shone na nakasandal sa maliit naming sofa.

"Hoy! Anong ginagawa mo dito!" Panigurado gigisahin ako ng magulang ko ng tanong kapag kami na lang dito sa bahay. Dahil sa pagpunta niya dito ng walang paalam!

"Ang ganda naman ng bungad mo sa'kin, Good morning!". Tumayo siya at lumapit sa'kin. Nakatayo pa kasi ako sa harap niya, Nanlaki ang mata ko ng hinalikan niya ako sa noo.

"Ano ba ginagawa mo?" Naitulak ko siya sa kabiglaan. Bakit ba siya nanghahalik ng basta-basta! Agad kong tinanaw ang kusina baka kasi lumabas ang mga magulang ko at makita kaming dalawa.

Napahawak ako sa noong hinalikan niya.

"Bakit ka nga kasi nandito?" Tumingin siya sa'kin at ngumiti ulet, nako naman baka matadyakan ko na talaga tong nasa harap ko hindi makausap nang matino. Pangiti-ngiti pa.

"Gusto ko lang magpakilala sa magulang mo masama ba 'yun?" Mukha pa siyang masaya ngayon. Maaliwalas ang mukha niya at gwapong gwapo sa suot na damit. Napakalinis niyang tingnan at napakagwapo. Okay, Hindi naman talaga ako galit na nandito siya ngayong umaga kaya lang kasi baka ano ang isipin nila Mama sa pagpunta niya dito!

"Loko-loko ka ba? Bakit mo ginawa 'yun? Baka mapagalitan pa ako mamaya," Hinampas ko siya sa braso, Kaya lang kamay ko lang yata ang nasaktan ang tigas kasi ng braso niya.

"No, I think your parents are nice, binigyan pa nga ako ng Mama mo ng kape," Pinakita niya sa'kin ang kapeng nakalagay sa center table, himala yata. Ayaw na ayaw kasi ng mga magulang ko na may nagpupuntang lalaki dito sa bahay. Strict kasi sila pagdating sa akin. Nag-iisang anak lang ako at babae pa kaya siguro ganoon. Kaya nakapagtataka na pinayagan nila si Shone na pumasok dito. Kahit wala naman akong sinabi tungkol sa kanya.

"Anong sinabi mo sa kanila?" Umiling lang siya bilang sagot, Napakamot na lang ako dahil sa wala talaga akong makuhang sagot kay Shone,

"Anak pumunta na kayo rito at tayo ay kakain na." Tawag ni Mama mula sa kusina.

Accidentally Mine(Completed)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin