Chapter 10

2.1K 90 93
                                    


- xia

NAKATUNGANGA lang ako habang nakatingin sa kisame, ano gagawin ko?

Susunduin daw ako ni Shone ngayon dahil pupunta kami sa probinsya nang lola niya!

Napatalon nalang ako nang may malakas na busina sa labas.

Sinalakay na naman ako ng kaba,maya-maya pa kumatok na si Mama sa kuwarto ko,

"Anak, may naghahanap sayo sa baba, Shone daw eh, diba siya yung pumunta dito sa atin?, labasin mo na yun"

"Opo, lalabas na po" paglabas dumiretso na ako sa kusina upang mag-hilamus nakakahiya naman kung may panis na laway pa ako mukha, tapos haharap agad ako kay Shone diba,

Nag toothbrush lang ako, at naghilamos,

"Bakit ang tagal mo?" Tumayo yata ang lahat ng balahibo ko sa katawan bigla nalang kasing may nag salita malapit sa tenga ko, paglingon ko sobrang lapit nang mukha namin,

As in sobrang lapit talaga kong gagalaw pa ako sigurado mag hahalikan na kami,

"I'm asking you" Nakatitig lang siya sakin at nakangisi maaring napansin niya na hindi ako mapakali, kasi mas lumapit pa siya at nakangisi, gago talaga.

"EHEM"Naghiwalay kami kaagad ni Shone ng may tumikhim sa likod namin. Si Mama pala ang sama nang tingin sakin, siguro iniisip niya na may masama kaming ginagawa,

"Kakain na,"

"Susunod na po kami," Umalis narin kaagad si Mama, pero ang sama parin nang tingin sa akin.

"Tabi nga!" Tinulak ko siya, Tumawa lang ito.

"Why are you blushing? Ha?"

"H-hindi kaya,"Nagmadali akong umalis sa harap niya, muntik na nga akong matumba at narinig ko pa siyang tumawa. Nakakainis lang napahawak na lang ako sa dibdib ko, at napangiti. Pero, bigla ko na lang binawi kasi nandyan pala si Mama at ang sama na naman ng tingin sa akin.

Pilit ko nalang pinakalma ang puso,

"Ano yung nasaksihan ko kanina?" Mahinang bulong ni Mama sakin. Kinurot pa ako ni Mama, napangiwi nalang ako sa sakit,

Nakakunot din ang noo ni Papa,

Katabi ko kasi si Mama, Habang si Papa nasa harap namin, ngumiti lang ako ng weird kay Papa. Maya-maya pa umupo na rin si Shone sa kaharap kong upuan,

"Kain na" nakangiti kong sabi.

Ang awkward kasi nakatingin lang sila sa akin. Ano kayang problema nila? Bahala sila kukuha na sana ako ng pagkain pero pinalo ni Mama ang kamay ko,

"Mag pray muna tayo,ikaw talaga"

Nakita ko sa side ng mata ko na ngumiti si Shone. Inirapan ko naman siya. Kainis, pagtawanan ba naman ako sa sarili naming bahay! Mamaya ka sa akin, Shone Smith ka!!

Habang kumakain panay pa rin ang sulyap sa akin ni Shone, at pagkatapos ngingiti. Malapit na akong mainis ha? Anong problema niya!

Sinipa ko siya sa ilalim ng mesa, tumingin lang siya sakin pagkatapos binalik ang atensyon sa pagkain.

"Xiamara ano bang ginagawa mo?"

Napansin yata ni Mama, kaya napatigil ako, tiningnan ko si Shone ngumiti lang siya, naiinis na talaga ako!

Pagkatapos naming kumain pinaligo na ako kaagad ni Mama, kanina pala na nasa kuwarto pa ako, nagpaalam na pala si Shone para sakin. Pagkatapos kong maligo labas naman ako kaagad nakita ko naman si Shone na pinagmamasdan ang mga larawan namin na nakasabit sa ding-ding ng bahay namin.. pinagmasdan ko lang siya, bakit kaya ang gwapo nang taong to?

Accidentally Mine(Completed)Where stories live. Discover now