Chapter 9

1.9K 95 73
                                    


Chapter 9

-xia

"ANAK, kinakamusta ka ng Ante mo, baka gusto mo raw magbakasyon doon sa kanila" sabi sakin ni Mama habang naglilinis kami, Sembreak kasi namin ngayon kaya tinutulungan ko siya dito sa bahay. May trabaho pa kasi siya mamaya, nagla-labada kasi ang Mama ko habang si Papa naman ay family driver at nandoon ngayon si Papa sa amo niya dahil may lakad ang mga ito.

"Naku Ma, Sabihin niyo po na hindi ako makakapunta, Maghahanap pa kasi ako ng part-time para may kinikita ako habang walang pasok"

"Anak, magbakasyon kana doon sa Ante mo, Sigurado namimiss kana rin nang mga pinsan mo"

Hindi na lang ako umimik wala talaga kasi akong balak umalis ngayon, talagang kailangan ko mag hanap nang extrang kita para sa allowance ko.

Pagkatapos ng paglilinis namin.. Pumunta na rin ako sa kuwarto ko para maglinis ng katawan.

Pagkatapos kong maglinis. Humiga muna ako para makapagpahinga. Nakakapagod rin kasi.

"Xiamara anak. Kailangan ko na umalis," Sigaw ni Mama mula sa labas ng kuwarto ko kaya lumabas na lang ako.

Paglabas ko nasa salas pa si Mama naghahanda para makaalis.

"Sigurado gabi na kami makakauwi ng Papa mo, maghanda ka na lang dyan." Tumango na lang ako.

Pagkaalis ni Mama ako na lang mag-isa ang boring naman. Bumalik nalang ako sa kuwarto ko at nahiga, tiningnan ko ang cellphone ko. 1:30 pm. Wala man lang nag text sa akin. Kainis ah, Kaya ayaw kong tingnan ang cellphone ko eh. Wala naman nagtetext sa akin!

Kaya nilagay ko na lang sa ilalim ng unan ko ang cellphone ko. Pero. maya-maya pa bigla nalang itong nag vibrate kaya tiningnan ko kung sinong nag text.

Si Besty pala nagyayang mag mall daw. At isa itong malaking himala kadalasan kasi ayaw nitong lumabas, wala na akong load kaya pinabayaan ko na lang sigurado tatawag 'yun. Nag bilang lang ako nang sampu at ito na ang loka-loka tumawag nga.

"Ano?" Walang ganang sagot ko sa kanya, nakahiga pa rin ako habang nakapatong ang dalawang paa ko sa unan.

"Labas tayo bored ako" Palagi naman siyang bored eh.

"Ayaw ko" walang ganang sagot ko pa rin kay Besty sarap lang kasing pagtripan ng babaeng to ang pikon lang.

"Aba't ayaw mo pa ikaw na nga niyaya ko, wag na wag kang mag papasama sa akin, Kapag ako niyaya mo asahan mo na hinding-hindi kita sasamahan. Manigas ka! Bahala ka hindi talaga kita sasamahan! Kainis ka!" Sigurado umuusok na ilong niya habang sinasabi niya 'yun. Alam na alam ko mukha niya e.

"Pagod ako Besty sa ibang araw na lang" Nakangiti kong sabi kasi alam ko sasabog na talaga 'yun pag hindi pa ako pumayag. Ayaw na ayaw pa naman non kapag niyaya niya ako at tinanggihan ko siya.

"Ibang araw pa, Ngayon ako, bored tapos ayaw mo. Pupunta ako sa bahay nyo mag bihis kana dahil kapag hindi kapa bihis pag punta ko dyan, itatapon talaga kita sa mars," tapos iend na niya ang tawag.

Hay ang kulit naman talaga, napilitan na lang akong nag halongkat sa mga damit ko at nag bihis plain white t-shirt at jeans at rubber shoes saktong pagkatapos kung mag bihis ay may kumatok na sa pinto namin. Nagmadali na akong bumaba. Baka magalit na naman ang bruha sa'kin.

Pagbukas ko palang ng pinto tumambad na sa'kin ang nakabusangot na mukha ni Besty, ano naman kaya ang problema nito?

"Problema mo dyan?" Inirapan lang ako ang gaga, sarap tusokin ng katayom ang mata, kong hindi ko lang to Bestfriend baka sinakal ko na to! Pero, joke lang mahal na mahal ko kaya tong masungit kong kaibigan.

Accidentally Mine(Completed)Where stories live. Discover now