Chapter 21

1.4K 70 59
                                    

Xia

PAGKATAPOS naming magsawa sa paglangoy don sa falls at pagmasdan ang ganda nito ay napagpasyahan na naming bumalik sa resort ni Shone.

Pagkatapos naming magbihis, Ay kumain na kami ng tanghalian.

Dahil mainit pa naman sa labas, Napagpasyahan kong maupo nalang sa may malaking puno na may upuan sa ilalim. Tanaw ang dagat kaya nakakagaan sa pakiramdam.

Iniwan ko muna si Shone. Kasama ng mga kaibigan niya. Hindi naman to ganoon kalayo sa pwesto nila Shone.

Tiningnan ko ang mga batang, Naglalaro parin sa ilalim ng mainit na araw.

Nakakatuwa ang mga bata, Hindi nila alintana ang init at naghahabolan pa sila.

Nakakamiss din maging bata, yung walang masyadong pinoproblema sa buhay. Walang pakialam kong ano man mangyayari sa future.

Napatingin sa akin ang mga bata at isang malaking ngiti ang ibinigay nila sakin kaya napangiti na rin ako.

Lumapit sakin ang isang batang babae.

"Ate, Bakit mag isa ka po? Wala ka pong kasama?" Sabi ng batang babae.

"Meron, Nandoon sila" Tinuro kong saan ang pwesto nila Shone.

"Pero, Bakit ikaw lang mag isa kong may kasama ka naman pala!" Napangiti ako sa bata, Sa totoo lang napaka-cute ng mukha niya. Bilugan ang mga mata niya at medyo chubby din siya. Ang sarap kurutin ng mga pisngi niya.

"Gusto ko lang mapag isa kaya ako nandito," Umupo sa tabi ko ang bata at hinawakan niya ang kamay ko.

"Ganoon? Ate, Ibibigay ko to sayo." May nilagay siyang bato na heart shape at pink pa ang kulay. Ang cute tingnan.

"Wow! Ang ganda naman nito. Saan mo to nakuha ang ganda naman" Tinitigan kong mabuti ang bato at talagang heart shape siya.

"May isa pa, Ibigay mo yan sa taong mahal mo, Ate." Tumakbo na ang bata papunta sa mga kalaro niya kanina.

Nakatingin pa rin ako sa bato na Heart shape.

"There you are!" Napalingon ako ng may magsalita at nakita ko si Shone na papalapit sa akin.

"What's that?" Tanong ni Shone, ibinuka ko ang mga palad at ipinakita sa kanya ang dalawang bato.

"Binigay sa'kin ng bata," Tinuro ko sa kanya ang bata na tumatakbo na paalis ngayon.

Hinawakan din ni Shone ang bato na nasa kamay ko. At tumabi sa akin.

"It's beautiful" Nilagay ko sa kamay nya ang isang bato.

"Sabi ng bata kanina, Ibigay ko raw 'tong isa sa taong mahal ko. Ikaw naman yung nandito. So, Sayo ko ibibigay." Humawak siya sa puso niya na para bang nasasaktan.

"Aray! Para namang second choice lang ako." Tumawa ako at sumandal sa balikat niya.

"Hindi ikaw ang pangalawa, Ikaw nga yung una eh" Pinagmasdan ko ang mga alon sa dagat na huma-hampas sa dalampasigan.

"Really?"

"Ikaw kaya ang una kong boyfriend, Ikaw yung unang lalaking minahal ko" Namula yata ako sa mga sinasabi ko sa kanya.

"Will you allow me to be your last?" Hinawi niya ang buhok na tumabing sa mukha ko.

"Ikaw handa kana bang maging last ko?" Tumitig lang siya sakin. Kaya umiwas ako ng tingin. Medyo nailang kasi ako sa titig niya sakin.

"I hope I can be your last, Sunshine." Yun din naman ang hiling ko eh, Sana siya na talaga. Aminin man namin o hindi marami pa kaming pagdadaanan. At sa mga panahong darating walang kasiguraduhan kong talaga siya na talaga yung bigay ng maykapal na makakasama ko hanggang dulo.

Accidentally Mine(Completed)Where stories live. Discover now