Chapter 1

9.5K 227 239
                                    

Chapter 1

- xia


PALAKAD-Lakad lang ako sa mall at hindi alam kong saan ang punta ko. Nakatingin lang ako sa mga taong maraming dalang shopping bags. Napaka swerte talaga ng iba na walang ginawa sa buhay kong 'di mag gastos ng pera nila. Halos napapadyak na ako sa inis dahil sa paghihintay sa kaibigan ko. Halos isang oras na akong naglilibot sa mall ah! Kapag nakita ko talaga ang babaeng 'yun. Ubos ang buhok non sa'kin! May usapan kaming ng eleven, Tapos anong oras na ngayon!.

Matatapon ko talaga siya sa mars!!.

Hindi pa man ako nakaka-recover sa inis ko. May bigla nalang humila sa bewang ko. At namalayan ko na lang na may dumampi na mainit na labi sa labi ko. Pinilit ko siyang tinulak kaya lang mas kinabig niya ang batok ko at mas lalong pinagdikit mga labi namin!

ANG FIRST KISS KO!

Lintik! Sinong may lakas na loob na kumuha ng first kiss ko!

Hindi lang pala wallet ninanakaw ngayon? Pati kiss din may magnanakaw na!

At sinubukan ko ulit siyang itulak pero sobrang higpit ng hawak niya sa batok ko kaya hindi ako makahinga. Gusto ko na lang sana magpaubaya sa halikan namin.

Pero, bigla na lang may humila doon sa taong humalik sa'kin at bigla siyang sinampal. Nanlaki naman 'yung mata ko. At agad napahawak sa labi ko. Bakit iba ang sumampal? dapat ako 'yun eh, ako 'yung nahalikan eh!

Hindi ko makita ang mukha ng taong humalik sa'kin. Kasi, nakaharap siya ron sa humila at sumampal sa kanya. Pero, masasabi ko mabango siya tapos matangkad. Seriously Xiamara! ikaw na nga nahalikan tapos pinagpapantasyahan mo pa? Pasimple kong binatukan ang sarili ko.

"Who is she Shone? I'm sure she's the reason why you dumped me!"

Ay te hindi ko kasalanan kong nang halik ng iba itong jowa mo, tsk.

"Please, Stacey don't make a scene here,"

Pasimple akong sumilip sa babaeng nasa harap. Infairness maganda siya at sexy. Bakit kaya siya iniwan ng lalaking to? May mga lalaki talagang kahit gaano kaganda ang Girlfriend pinagpalit parin.

Tumaas naman ang kilay ng babae, Nang napatingin siya sa'kin, ay nanlilisik ang mata niya habang nakatingin sa'kin.

"Me?" Tinuro niya ang sarili na para bang hindi makapaniwala, "That woman is the reason why I'm being like this! Do you think I will give up because you tell me to do so? Your wrong. I will kill this bitch!" Sigaw niya sa'kin, Ano bang kinalaman ko rito? Ako na nga nakunan ng first kiss tapos ako pang-sisisihin niya? Aba matindi!

Susugod na sana sa'kin ang babae. Pero, Agad namang hinarang ng lalaking ng halik sa'kin ang babaeng nagwawala.

"Alam nyo kong mag aaway lang kayo rito. Wag niyo na akong isali!"

Tumalikod na ako at aalis na sana pero bigla na lang may humila sa buhok ko, Kaya na padaing ako sa sobrang sakit, ang lakas naman ng babaeng to, May lahi yatang aswang to eh.

"Don't you dare turn your back on me, You bitch. I'm going to kill you!"

Hila-hila pa rin niya ang buhok ko halos mabunot na nga 'yung anit ko dahil sa lakas ng hila niya. Pinilit kong alisin ang kamay niyang nakapulupot sa buhok ko. Pero, Wala talaga hindi ko matanggal.

Accidentally Mine(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon