Chapter 17

1.4K 82 105
                                    

Xia

"AKALA ko ba gusto mo siya?" Magka-video call kaming dalawa ni Besty, at pinapagalitan niya ako dahil sa ginawa ko kay Shone.

"Oo, Kaya lang may rason naman ako---"

"Sa tingin mo hindi mo siya nasasaktan ngayon? Pinaasa mo yung tao" Alam ko naman yun, Kaya lang ayaw ko siyang umasa pa sakin. Kailangan kong tulungan ang Mama ko.

Hindi ko mabibigay sa kanya ang oras ko ng buong buo. Gusto ko siya, Pero. Kailangan ako ng Mama ko. Hindi ko siya pwedeng iwan ng ganoon. At ayaw kong hilahin si Shone sa pagiging malungkot ko. Ayaw kong masanay na siya nalang palagi ang sasalo sa lahat ng mga problema ko sa buhay.

"Alam ko--"

"Yun, Naman pala. Bakit mo parin ginawa!" Magsalubong na yung kilay ni Besty dahil sa pagkainis sakin.

"Kaya nga, Gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil ginawa ko yun. Kaya lang Besty, Sa tingin mo ba. Madali lang sakin yun. Gusto ko siya, at alam ko yun sa sarili ko. Pero, Hindi naman pwedeng paasahin ko nalang siya na mabibigay ko sa kanya lahat. Pero, Hindi naman talaga. Mas masasaktan ko lang siya. Hindi makakabuti sa kanya kapag pinagpatuloy pa niya ang panliligaw sakin. May mga responsibilidad akong dapat gawin." Natahimik si Besty sa sinabi ko. Alam ko masasaktan siya. Pero, alam kong kaya niya.

"Hay, Iwan ko sayo. Ibaba ko na may trabaho pa ako." Yun lang pinatay na niya ang tawag.

Pabagsak akong nahiga sa kama ko. Bumabalik sa utak ko ang itsura ni Shone at ang pagsuntok niya sa pader ng umalis siya.

Kita sa mga mata niya ang sakit ng magtagpo ang mga mata namin.

Pakiramdam ko ang sama sama kong tao dahil sinaktan ko ang taong naging mabait sakin.

Sinabunutan ko ang sarili. Bumuntong hinga ako at tumingin sa orasan na nasa gilid ko lang.

May trabaho pa pala akong dapat asikasohin.

Naghanda na ako para magtarabaho,

DUMATING ako sa trabaho, Nagtrabaho buong gabing walang tigil. Halos gawin ko na lahat ng trabaho sa restaurant para lang mawala si Shone sa isip ko. Ang mukha niyang sobrang lungkot. At naiinis ako sa sarili ko dahil ako ang may gawa noon.

"Xiamara may problema ka ba?" Umiling ako, Inihanda ko na ang order ng customer at dinala sa table nila.

"Magpahinga ka muna, mawawalan kami ng trabaho dahil sayo eh," Sabi ng kasama ko sa trabaho.  Hindi ko na siya pinansin at naghugas nalang ako ng plato sa kusina.

Ano bang pwede kong gawin para lang mawala siya sa isip ko.

Hindi ko na namalayan ang oras na lumipas at natapos na pala ang trabaho ko sa restaurant. Tapos na rin kaming maglinis at pauwi na.

"Xiamara, Sabay kana samin?" Umiling ako bilang pagtanggi kaya nauna na sila sakin.

Naglalakad na ako papunta sa sakayan ng jeep. Dati kapag umuuwi ako, Nandyan agad si Shone sa harap at sinusundo ako pauwi. Pero, Ngayon kailangan kong masanay na wala na siya.

Parang dumudoble yung sakit eh, Wala na ang Papa ko at galit si Shone sakin. Alam ko galit siya,

God knows kong gaano ko ka gustong bawiin ang sinabi ko sa kanya. Kong gaano ko siya ka gustong  habulin at sabihin sa kanya na nagkamali lang ako.

Pero, Paano ko yun gagawin? Kahit na magmukha akong masama para sa kanya. Basta makaiwas lang siya sakin.

Sumakay na ako ng jeep at napagmasyahang umuwi nalang, Kahit ayaw ko pang umuwi wala na din naman akong magagawa may pasok pa ako bukas. Hindi ko alam kong anong mukha ang ihaharap ko kay Shone... nakakahiya mang aminin na scholar ako at utang ko sa kanya yun lahat.

Accidentally Mine(Completed)Where stories live. Discover now