Chapter 15

1.7K 82 63
                                    

Shone

I wish I had a power to take all the pain she's feeling right now.

Seeing her in pain makes me sad. I always want her to be happy. Kaya lang ngayon wala akong magagawa para sa kanya.

Alam kong sobrang sakit para sa kanya ang lahat ng nangyayari.

Sana maging okay lang siya pagkatapos ng lahat ng ito.

Lumapit ako sa kanya dala ang pagkain. Nang iabot ko sa kanya ang dalang pagkain ay iling lang ang sinukli niya sakin.

I've been here for two days. At kada balik ko dito ay walang pagbabago. Nakatulala lang siya habang nakatingin sa kabaong ng Papa niya. At hindi ko alam ang dapat kong maramdaman habang nakatingin sa kanya at wala akong magawa para sa kanya.

"Sunshine you need to eat. Ilang araw kanang hindi kumakain at natutulog ng maayos." Hindi niya pinansin ang sinabi ko at parang walang narinig.

Hinawakan ko ang kamay niyang nasa lap niya.

"Sunshine..."

"Gusto ko lang mapag-isa." Napapikit nalang ako. Palagi nalang ganito. Kapag kinakausap ko siya, Palagi niya akong tina-taboy at walang kahit sino ang kinakausap niya.

Wala akong ideya kong ano man ang tumatakbo sa utak ng babaeng Gusto ko. At natatakot ako na baka bigla nalang siya magbigti sa harap ko dahil sa kalungkutan.

"No!, ilang araw mo nang hinihiling sakin yan. At ngayon hindi na kita susundin." Kung pwede lang ako nalang ang dumanas sa lahat ng pinagdadaanan niya. Gagawin at kukunin ko yun lahat para lang hindi niya maramdaman yun.

"Please! Gusto ko lang talaga mapag-isa." Halata sa mukha niya ang pagod at puyat. Mula ng mamatay ang Papa niya, Hindi ko na siya nakitang nagpahinga.

Inaaliw niya ang sarili sa pag-asikaso ng mga bisita at kagaya ngayon na gabi na at wala ng tao ay nakaupo lang si at nakatingin sa kabaong ang Papa niya.

Gusto kong alisin lahat ng sakit na nararamdaman niya ngayon. Pero, Wala akong magawa kong di panuorin siyang nasasaktan.

"Sunshine, Just tell me what you feel. Hindi ganito na hindi ka nagsasalita." Dahan dahan siyang tumingin sakin.

Blangko ang expresyon ng mukha niya.

"Ano bang gusto mong sabihin ko? Maaring hindi mo maiintindihan ang sakit na nararamdaman ko ngayon, Araw araw na d-dumaan mas lalong sumasakit at mas lalo kong na mimiss ang Papa ko. Tinatanong ang diyos kong bakit niya kinuha sakin ang Papa ko sakin? Hindi ako handa sa ganito!" Tinakip niya ang dalawang kamay sa mukha niya. Hinila ko siya malapit sa akin.

"I'm sorry,." Tahimik siyang umiiyak sa bisig ko.

"Kung may pwede akong gawin para sayo, Sunshine. Sabihin mo sakin para maibsan ang sakit na nararamdaman mo," Ang magagawa ko lang sa ngayon ay pagaanin ang loob niya mula sa sakit na nararamdaman niya ngayon. And I feel useless for that.

"Wala ka namang dapat gawin Shone. Magiging o-okay lang ako. Hindi ngayon, Baka sa mga susunod na buwan o di kaya taon. Kaya wag kanang mag-alala sakin." Naramdaman kong humigpit ang hawak niya sa damit ko.

Alam kong nahihirapan siya ngayon at nagpapakatatag lang siya sa harap ko.

Medyo nilayo ko siya sakin at hinawakan ang mukha niya. Pinunasan ko ang mga luhang pumatak sa mga mata niya.

I really hate seeing her cry. Parang pinupunit ang puso ko sa sakit, Kapagnakikita ko siyang umiiyak.

Siya ang babaeng unang kita ko palang ay nasabi ko na sa sarili na. Sana siya na yung pang habang buhay.

Accidentally Mine(Completed)Där berättelser lever. Upptäck nu