Chapter 35

1.5K 53 47
                                    

Xia

"BAKIT nandito 'yan?" Napahinto ako sa paglalagay ng cupcake sa lagayan ng magsalita si Besty.

"Sino?" Sabi ko kay Besty habang nakakunot ang noo." May tinuro siya sa labas. Kumunot ang noo ko ng makita ang likod ng lalaki at napataas ang kilay ko ng makilala kong sino ang lalaking 'yun.

Bakit na naman siya nandito? Agad akong nagbawi ng tingin at naglakad papunta sa labas at iniwan sa mesa ang cupcake na hawak ko kanina.

Malayo palang ako ay kita ko na nakatingin siya sa akin.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko sa kanya. Hindi siya umimik at tinaas niya ang hawak na mug.

"Coffee?" Naningkit ang mata ko. Ano ba talaga ang kailangan niya?

"Don't play games on me, Shone." Kumunot ang noo niya.

"I'm not playing games. I just want to enjoy my coffee. Ano bang problema. Miss?" Gusto talaga akong paglaruan ng taong 'to. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Ang problema mo kasi nandito kana naman! At ayaw kong nakikita kita dito--"

"Why? Customer naman ako, and I'm paying right," Napahinto ako. Sumasakit ang ulo ko sa kanya. Ayaw ko siyang nandito baka magdala na naman siya ng gulo sa BESTIES.

"Yeah, whatever. Pagkatapos mo dyan umalis kana!"

"Bakit galit na galit ka sa'kin? May nagawa ba ako sayo? Hindi naman kita kilala ang alam ko lang Girlfriend ka ni Kaizer Villanueva." Naningkit ang mata ko sa sinabi niya. Seryoso ba talaga ang taong to? Kasi hindi ako makapaniwala sa naririnig ko sa kanya ngayon! Hindi niya ako kilala! Gusto ko nalang mapamura eh.

"Xiamara, Wag mo na nga kausapin ang taong nag da-drama kasi wala ka talagang mapapala. Pumasok na tayo" sabi ni Besty at hinila ako.

"Sandali lang! I want to know something. May nagawa ba ko sa inyo? Kilala ko ba kayo?" Feeling ko napapagod lang ako sa pakikipag-usap kay Shone. Feeling ko ako yung nagiging tanga dahil para sa kanya naman yata walang nangyari at hindi na pala kami magkakilala.

"Maalog ba utak mo at nakalimutan mo na pala ang ginagawa mo sa kaibigan ko? Good! Kasi wala ka naman palang kuwenta at salamat dahil iniwan mo siya, para mahanap niya ang taong totoong magbibigay sa kanya ng halaga!"Hinila na ako ni Besty papasok. Nagpunta kaming dalawa sa counter at naupo don.

Nilingon ko si Shone sa labas na kita naman dahil glass wall naman. Nakatayo pa rin siya don at para bang may malalim na iniisip.

"Naniniwala ka ba talaga na hindi ka niya maalala? Baliw na ba talaga siya? Ngayon pa siya magpapakita sayo na masaya kana," Nakatingin parin ako sa labas ng magsalita si Besty.

"Hindi naman niya sinabing mang gugulo siya sakin diba? Ayaw ko lang na nakikita siya dito. Baka magkagulo na naman. At wala na akong pakialam kong ano man ang gusto niyang gawin" Pinakatitigan ako ni Besty.

"Wala kanang nararamdaman sa kanya?" Bigla akong natawa.

"Tumigil ka nga! Sa tingin mo kaya ko siyang harapin kong meron pa? Tapos na ako don at mahal ko si Kaizer." Tumango tango si Besty.

"Paano kapag ng gulo siya sayo? Anong gagawin mo?" Wag lang talaga niyang sirain ang relasyon ko kay Kaizer dahil hindi ko alam ang magagawa ko sa kanya.

"Hangga't wala siyang ginagawang masama hahayaan ko lang siya sa gusto niyang gawin" nakita kong umalis sa si Shone. Hindi ko na talagaalam kong anong pakay niya at nagpunta na naman siya dito. At palagi niyang sinasabi na hindi niya ako kilala at ang mga kaibigan niya.

Accidentally Mine(Completed)Where stories live. Discover now