Chapter 23

1.2K 61 87
                                    


Xia

"NASAAN si Shone?" Hindi ko mapigilang magtanong, Hindi niya kasi ako sinundo kanina sa bahay at hindi rin siya pumasok sa klase.

Napatingin sakin ang tatlong kaibigan ni Shone, katatapos lang ng pangatlong Subject namin. Pero, Hindi ko pa rin nakikita si Shone.

"Hindi ko alam, Hindi naman siya nagsabi na may pupuntahan siya ngayon. Tinawagan mo ba siya?" Si Bryan ang sumagot sa tanong ko.

"Tinawagan ko na siya kanina. Kaya lang nakapatay ang cellphone niya." Nag-aalala na nga din ako kung ano ng nangyari sa kanya.

"Baka naman may inaasikaso lang, may karapatan naman yata siyang umabsent diba?" Umayos nalang ako ng upo at tiningnan ulit ang cellphone ko.

Wala kahit ni isang text o tawag man lang mula sa kanya. Hindi kasi siya pumapalya sa pagtawag at text sakin tuwing umaga. Ngayon lang talaga kaya nakapagtataka rin.

Hanggang magsimula ang pang apat na Subject, Wala paring Shone na dumating.

Hindi ako nakapag focus dahil sa pag-aalala kong nasaan na si Shone.

Natapos ang mga Subject ko ngayong araw ng hindi pa rin dumating si Shone, Kaya mag-isa ako buong araw.

Panay ang sulyap ko sa cellphone ko nagbabakasakaling tatawag o magtetext man lang siya sa akin.

"Ano bang nangyari sayo at hindi mo man lang ako matawagan?" Humigpit ang hawak ko sa cellphone ko. Hindi niya naman to ginagawa, Palagi siyang nagpapaalam kong saan siya pupunta. Para hindi ako mag-aalala sa kanya. Ngayon lang talaga nangyari na hindi niya pinaalam sa akin kung saan siya pupunta.

Hanggang sa mag-gabi at pumasok ako sa trabaho ay walang Shone na nagpakita sakin. Kaya nag focus nalang ako sa trabaho ko.

Kapag nagbubukas ang pinto ng restaurant at may papasok na kakain ay palagi akong nakatingin. Baka kasi pumunta siya sa restaurant na pinagtatrabahuhan ko.

"Xiamara, Okay lang?" Tanong sakin ng katrabaho ko. Tumango lang ako at pinagpatuloy ang pagtatrabaho, Inaliw ko nalang ang sarili sa pagseserbisyo sa mga customers.

"AYOSIN MO NGA ANG TRABAHO MO!!"

"Pasensya na po Ma'am" Dali dali akong kumuha ng pamunas at pinunasan ang damit ng isang customer na natapunan ko ng tubig. Hindi ko kasi alam na nandyan pala siya sa likod ko kaya ng humarap ako sa kanya, Natapon ang dala kong tubig sa damit niya.

"Pasensya na po talaga, Hindi ko po kasi kayo nakita." Tinabig niya ang kamay ko.

"Ano ba! Alisin mo na ang kamay mo!" Panay ang hingi ko ng paumanhin sa kanya.

"Sa tingin mo madadala ng sorry ang ginawa mo sa damit ko! Tatanga-tanga kasi!" Kinagat ko ang labi para pigilan ang pagsagot sa kanya.

"Tawagin mo ang manager nyo, At kakausapin ko siya tungkol dito!" Hinawakan ko ang kamay niya, Ayaw kong mawalan ng trabaho kailan na kailan ko to.

"Ma'am, Maawa po kayo sa akin, Hindi ko po talaga sinasadya." Tinabig niya ang kamay ko at sinamaan niya ako ng tingin.

"Anong nangyari?" Nakayuko lang ako habang kinakausap ng manager namin ang babaeng natapunan ko ng tubig sa damit. Panigurado pagagalitan ako nito.

"Sumunod ka sakin." Seryosong sabi sa akin ni Sir Kaizer ang may-ari ng pinagtatrabahuhan kong restaurant.

Pagdating namin sa Office si Sir Kaizer ay nakayuko lang ako. Hinanda ko nalang ang sarili ko dahil alam ko talagang magagalit siya sakin.

"What happen? Hindi ka naman ganito magtrabaho." Hinawakan ko ng mahigpit ang laylayan ng t-shirt na suot ko.

"Pasensya na po Sir. Hindi na po mauulit" Hinging paumanhin ko sa boss namin.

Accidentally Mine(Completed)Where stories live. Discover now