Chapter 2

5K 167 184
                                    


Chapter 2

Xia

NASA loob na kami ng elevator dalawa. Paano ba naman, hinila niya ako kaya hindi na ako nakapalag at sumama na lang ako sa kanya. Nasa kabilang parte siya ng elevator at nakasandal don, habang ako na nasa kabila rin na parte. Ayaw ko ng lumapit sa kanya. Pakiramdam ko kasi hindi ako makahinga pag-nasa tabi ko sya. Biglang tumunog ang elevator na hudyat na nasa floor na kami na pindot ni Shone kanina. Nauna siyang lumabas at nakasunod lang ako sa kanya.

Ang lawak talaga ng building na to. At ang interior design, mukhang pang sosyal talaga. Tsaka ang kintab ng sahig. Ang sarap sigurong tumira dito.

Huminto kami sa isang kuwarto at agad na binuksan ni Shone ang pinto non. Agad na bumungad sa'kin ang ganda ng loob ng kuwarto.

"Come on in" Niluwagan niya ang bukas ng pinto. Dahan-dahan naman akong pumasok sa loob. Ang ganda at ang linis tingnan. Ang galing naman parang hindi lalaki 'yung nakatira dito. Will organize 'yung mga gamit niya sa loob. Parang nakakahiya pumasok sa loob baka masira ko 'yung mga naka-display na mga gamit.

"Just sit there, magluluto lang ako," Tumango naman ako at umupo sa sofa niya. Ang lambot naman parang gusto kong tumalon-talon dahil sa sobrang lambot. Studio type ang Condo ni Shone kaya kita ko pa rin siya na nagluluto sa kusina niya.

Hanggang ngayon nagtataka pa rin ako kong bakit niya ako dinala dito sa condo niya. Pero, masaya ako na malaman na dito pala siya nakatira.

Nang dumako ang mga mata ko sa kusina at nakita ko si Shone.

Naka apron siya ngayon at walang suot na pang itaas na damit. Kaya malaya kong natitigan ang mga muscles niya mula sa kinauupuan ko. OH MY GOD! Nag-init yata ang pisngi ko dahil sa nakikita ko ang sexy niya po, promise!! Parang gusto kong hawakan ang likod niya. Bakit ang pervert ko na?!

Bawat galaw niya parang ang sexy talaga tingnan. Bigla siyang lumingon sa'kin at kumindat, Okay!  patay na ang mga bulati ko sa tyan! Umiwas na lang ako ng tingin feeling ko sasabog na ang mukha ko sa sobrang pula.

Akala ko malas na ako ngayong araw. Pero, Ang swerte ko kasi nandito ako sa bahay ni Shone at para akong prinsesa na pinagsisilbihan niya.

Nilibot ko na lang ang tingin ko sa buong bahay niya. Halata talaga na mayaman siya, Ang mga gamit pa lang dito sa loob mukhang mamahalin na parang nakakatakot hawakan.

Ilang minuto rin akong nakaupo lang sa sofa, Nang mangalay ang pang-upo ko ay naglakad ako papunta kay Shone na nagluluto pa rin.

"Are you hungry?" Ngumiti lang ako, Sa totoo lang sobrang gutom na ako, dapat kasi kakain na ako kanina at naghihintay na lang sa kaibigan ko kaya lang dumating naman si Shone at basta na lang ako hinalikan.

Biglang nag flashback sa'kin ang labi ni Shone na dumikit sa mga labi ko kanina. Biglang nag-init 'yung mukha ko. God! Ang first kiss ko si Shone ang nakakuha!

"Bakit namumula ka?" Nanlaki naman ang mata ko nasa harap ko na pala si Shone at nakatitig sa mukha ko. Hindi lang basta tingin ha, titig talaga!

"Ah--eh, wala! Mainit lang" Iniiwasan kong tumingin sa mga labi niya, Ang pula pala ng labi niya parang ang sarap kagatin. Gustong batukan ang ulo ko dahil sa kabastusan.

Accidentally Mine(Completed)Where stories live. Discover now