Chapter 34

1.3K 55 37
                                    

Xia

NASA sasakyan na kami ni Kaizer at hawak niya ang kamay ko, Kinakabahan ako sobra.

"Just relax babe, let's go" Pareho kaming lumabas ng sasakyan. Agad na napatingin sa'min ang mga tao, Sumalubong kaagad sa'min ang mga magulang ni Kaizer. Yumakap si Tita Aiza sakin,

"Welcome, Xia! Ang ganda mo naman!" Napangiti ako sa bati sa'kin ni Tita Aiza. Nasa likod naman si Tito Robert.

"Good morning po, Tito, Tita" Umangkla si Tita sa braso ko.

"Tara ipapakilala kita sa mga kapatid ko!" Napalingon ako kay Kaizer na nakaakbay si Tito sa kanya ngayon. Ngumiti lang siya at kumaway sa'kin.

May nakita kaming kompol ng tao at lumapit kaming dalawa ni Tita Aiza don.

"Girls!" Napalingon sa'min ang mga babaeng nagkukumpolan.

"This is Xiamara, Kaizer's girlfriend" Ngumiti ako sa kanila. Nagulat ako ng may tumili sa likod at lumapit sakin.

"Oh my G! Ikaw si Xiamara? Ikaw pala ang bukang bibig ng pinsan namin. Ikaw ang ikalawang babae na sinama ni Kuya Kaizer dito." Nakangiti sabi ng babae na nasa harap ko ngayon. Bigla siniko ng isang babae na nasa gilid niya ang babaeng nasa harap ko.

"Hi Xiamara! Nice to finally meet you." Nakipagkamay ako sa kanila at isang ngiti naman ang binigay nila sa'kin.

"Let's go, Puntahan natin ang Tita ni Kaizer."Hinila na ako ni Tita Aiza.

"Bakit mo pa binanggit yun? Diba sabi ni kuya dapat hindi na sabihin yun, Ikaw talaga" Narinig kong mahinang bulungan ng mga pinsan ni Kaizer. Bakit dapat hindi ko malaman? 

Binaliwala ko nalang 'yun. Pinakilala ako ni Tita Aiza sa mga kapatid niya na dalawa. Si Tita Anna at Tito Greg.

Tuwang tuwa naman sila, Dahil sa wakas daw ay naipakilala na ako sa kanila ni Kaizer. Dahil ako naman daw lagi ang bukang bibig ni Kaizer sa kanila.

Sabay sabay kaming nag-lunch sa likod ng bahay. Bahay pala 'to ng mga Lolo at Lola ni Kaizer na pumanaw na. Dito sila nagbabakasyon at nagsasalo salo. Dahil dito naman daw  sila lumaki.

Magkatabi kaming dalawa ni Kaizer. At nasa harap naman na upuan si Tito at Tita na sweet na sweet na nagsusubuan ng pagkain.

Katabi namin nito ang mga kapatid ni Kaizer na si Jane at Lohan.

"Okay ka lang?" Tanong sakin ni Kaizer,

"Yeah, Ang saya nila tingnan. Ang laki pala ng pamilya mo," Tiningnan ko ang mga pinsan niyang nagtatawanan.

"Gusto mo ba ng malaking pamilya?" Napalingon ako kay Kaizer, Nakatingin din pala siya sakin.

"Oo naman, Mas masaya kaya yun." Pero, Nakakatakot din kapag maraming anak. Baka hindi ko sila maalagaang lahat.

"Ayiee! Bakit kayo nag-uusap ng pamilya riyan? Magpapakasal na ba kayo?" Namula ako sa sinabi ng pinsan ni Kaizer na si Glen.

"Mag-iipon muna ako bago kami magpakasal, Kayo naman!" Sabi ni Kaizer kaya namula ang mukha ko. Hindi pa kasi namin napag-uusapan ang kasal. Masyado pa yatang maaga para sa ganoon. Tsaka marami pa kaming dapat gawin.

"Marami kanang ipon, Kuya! Kahit nga ngayon kaya nyo ng magpakasal." Bakit ba napunta sa kasal ang usapan? Nakakahiya talaga!

"Babe? Gusto mo ba bang pakasalan ako?" Napatitig ako kay Kaizer, Seryoso? Nagpopropose ba siya?

"Wag mo muna akong sagutin kasi gusto ko espesyal kapag niyaya kita." Tinampal ko siya sa balikat, Paasa eh. Iwan ko ba. Baka kapag niyaya niya akong pakasal. Oo ang sagot ko.

Accidentally Mine(Completed)Where stories live. Discover now