Chapter 25

1.4K 68 74
                                    


Xia

"AYAW ko na nga! Masakit na eh" bumagsak na ako sa sahig dahil sa sobrang pagod.

"Sunshine, Please... isang round nalang" Hinawakan niya ang kamay ko at inalalayan akong tumayo.

Sobrang sakit na ng katawan ko dahil sa pagtuturo niya sakin ng taekwondo. Para daw sa self defense ko.

Halos hindi na nga ako makahinga sa sobrang pagod!

"Pwede ba magpahinga naman tayo, Hindi naman tayo sasali sa Olympics eh!" Natatawa niya akong niyakap mula sa likod.

"Sorry na,"Bumagsak kaming dalawa sa foam ng makawala sana ako sa yakap niya at mapatid ako sa paa niya.

Nasa ibabaw ko na siya at nakatitig lang sakin. Bumabagal yata ang paghinga ako.

"U-umalis kana, Ang bigat mo--"

Bigla niyang sinunggaban ang labi ko. Gumalaw ang labi niya sa labi ko. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Napakapit ako sa balikat niya habang pinapalalim niya ang halik naming dalawa.

Hindi ako marunong humalik, Pero nakasunod ako sa bawat galaw ng labi niya.

Lumipat ang mga kamay ko sa likod niya at halos bumaon ang kuko sa likod niya dahil nakaramdam ako ng init at hindi ko maipaliwanag kong bakit. Siya ang unang nagbawi ng halik at hinalikan niya ako sa noo.

Nakatitig siya sa mukha ko at ganoon din ako sa kanya, Hindi kami nagsasalitang dalawa at nakatingin lang kami sa isa't isa.

Para bang kina kabisado niya ang bawat sulok ng mukha ko, habang pinagmamasdan ako.

"Ang bigat mo," Natawa siya at umalis sa ibabaw ko. Tumabi siya sakin at pinaunan ako sa braso niya.

Tumagilid ako ng higa at yumakap sa kanya.

Napagod talaga halos tatlong oras na niya akong tinuturuan at ngayon ko lang nalaman na marunong pala siyang mag taekwondo.

"My dad taught me taekwondo, Sabi niya magagamit ko daw yun, Para protektahan ang sarili mula sa iba." Pinagmasdan ko ang mukha niya habang nagsasalita.

Parang close talaga sila ng Papa niya. At mukhang ng hihinayang siya sa mga oras na nasayang sa kanilang dalawa.

"I look up to him, Siya yung superman ko eh. Kaya lang nagbago na yun lahat mula ng pabayaan niya akong mag isa. Pero, Wala akong sama ng loob sa kanya. Kaya lang hindi ko na mabalik yung dati." Bumuntong hinga siya.

"Hindi na mabalik yung dati pero, Pwede ka pa namang bumawi sa kanya. Lalo na ngayon na sabi mo may sakit siya." Sabi ko sa kanya Nakita kong nagtangis ang bagang niya.

"I wish I have time to make it up to him. Baka mawalan kasi ako ng oras."

"Marami kapang oras para gawin yun. Ako nga wala na," Bigla ko tuloy na miss ang Papa ko. Kasi kahit anong gawin ko wala na akong oras para bawiin ang mga oras na dapat binigay ko sa kanya.

Niyakap ako ni Shone at pinupasan ang mukha ko. Hindi ko alam na umiiyak na pala ko.

"Pinaiyak na naman kita, Sorry" hinalik halikan niya ang mukha ko.

"Naalala ko lang si Papa,"Panay ang punas niya sa luha ko sa mata. Niyakap niya lang ako hanggang sa tumahan ako.

Nakasobsob ang mukha niya sa leeg ko at niyakap ako ng mahigpit. Nang kumalma na ako ay inalalayan niya akong tumayo.

"Kain tayo?" Tanong niya sakin. Isang tango lang ang ibinigay ko sa kanya.

"Come on, Sunshine.. Cheer up!" Nasa bahay niya kasi kami ngayon. Medyo sumasakit nga ang mga braso ko.

Accidentally Mine(Completed)Where stories live. Discover now