Chapter 13

1.8K 95 77
                                    


-xia

"ARE you okay?" Sandali kong nilingon si Shone na nasa gilid ko nakasandal kaming dalawa sa pader at nakatingin sa baba, Nasa rooftop kaming dalawa,

Madalas kaming tumambay dito, Dito lang kasi ang parte na walang tao. Minsan kasi nakakainis na ang mga tingin ng mga tao samin.

"Okay lang naman bakit?" Nong unang tapak ko dito sa Smith Academy akala hindi ako magsu-survive pero, Kinaya ko naman. At wala naman silang magagawa dahil si Shone ang may ari ng school.

Naririnig ko lahat ng mga panglalait at pangma-mata ng mga tao sa akin dito, Pero. Pinagsa-walang bahala ko na yun lahat.

Malapit na din naman akong umalis sa lugar na to, Iisipin ko nalang na ang kapalit ng mga sakripisyong yun ay makakasama ko si Shone.

"Kanina ka pa tahimik, Ayaw mo bang lumabas tayo mamaya? Kong okay lang sayo," Nakakatuwa talaga si Shone,

Minsan kahit wala naman talagang dapat pag-alala sa akin ay nag aalala pa rin siya.

"Ano ka ba, Palagi na nga lang tayo lumalabas tapos. Lalabas na naman tayo mamaya?" Nakita ko naman siyang sumimangot,

"Gusto kasi kitang makasama. Masama ba yun? I just want to spend time with you. Kung pwede nga lang. Nasa tabi kita palagi ginawa ko na."

Napansin ko na possessive si Shone at gusto niya palagi akong nasa tabi niya.

"Sawa na kaya ako sa mukha mo, Kahit na gwapo ka pa nakakasawa din minsan" Mas lalo siyang sumimangot sa sinabi ko,

"Bakit pakiramdam ko ako lang maghahabol sayo? Gustong-gusto  kaya kita, tapos sinasabi mo sakin ngayon na sawa kana sa mukha ko. Ang sakit mo naman magsalita, Nakaka-tampo ka naman," Tumalikod siya sakin,

"Ang arte nito, Humarap ka nga sa akin. Gusto ko kayang makita ang gwapo mong mukha araw araw---"

"Parang hindi naman, Palagi mo nalang kaya ako binu-bully," Ang sarap niya kasi asarin, Mula ng magtapat siya sakin, kahit inaasar ko siya hindi na siya lumalaban sakin.

"Bahala ka na nga dyan. May pasok pa tayo" Naglakad na ako papunta sa may pinto ng hilahin niya ako ay kinulong sa mga bisig niya.

"Sandali, Tatakasan mo na naman ako? Hindi kita hahayaan," Nakatingin siya sa labi ko kaya, Pinilit kong makawala sa mga bisig niya.

"A-ano ba! Bitawan mo na nga ako" May ngisi sa mga labi niya habang nakatingin parin sa labi ko.

"Bigyan mo muna ako ng rason para bitawan kita," Unti-unti niyang nilapit ang mukha sa mukha ko.

"A-Aray!!! Sh*t ang sakit," Namimilipit siya sa sakit habang nakahawak sa gitnang bahagi ng katawan niya,

Sinipa ko lang naman yung ano niya.

"Ano uulitin mo pa akong yakapin? Akala mo makakaisa ka sakin? Hindi na kita hahayaan."

Nakaluhod siya habang namimilipit parin sa sakit,

"K-kapag hindi na tayo magkaanak, lagot ka talaga sakin!!" Tumakbo na ako palabas ng rooftop at iniwan ko siya don habang tumatawa. Hininaan ko lang naman ang pagsipa sa kanya. Baka masaktan pa siya ng sobra.

Gusto ko talagang inaasar siya eh, Nakakatuwa lang.

"Anong nangyari?" Napahinto ako at napahawak sa dibdib ko, Nasa harap ko na pala ang tatlong bebe na alalay ni Shone.

"Wala naman,"

"Wala naman? Tingnan mo ang ginawa mo sakin, Aw... Ang sakit." Nasa likod ko na pala si Shone habang pa ika ikang naglakad,

Accidentally Mine(Completed)Where stories live. Discover now