Chapter 19

1.4K 77 83
                                    

Xia

HINDI ko maiwasang mapangiti ng mapatingin ako sa table kong saan nakaupo si Shone kasama si Bryan, Joshua at Ford.

Nagtatrabaho ako ngayon sa restaurant kong saan ako nagpa-- part-time at sila namang apat ay kanina pa nakatambay dito at hinihintay ang out ko.

Nagkukulitan lang silang magkakaibigan at mukhang napagtripan nila si Ford dahil ang sama ng tingin nito sa kanilang tatlo habang tumatawa naman sila Shone.

Kumindat sakin si Shone, Nang magtama ang mga mata naming dalawa.

Nagse-serve ako ng pagkain, papunta na ako sa counter ng may babaeng lumapit sa table nila Shone.

Nagtangis ang bagang ko ng makilala ang babae.

Yan yung babae na habol ng habol kay Shone dati, At kong makangiti pa kay Shone ngayon, Wagas!

Sinenyasan ako ng babae na-ooder na yata siya. Dinala ko ang menu at binigay sa kanya.

Hinanda ko na ang papel para magsulat.

Nakalumbaba naman si Shone at nakatingin sakin.

"Shone, Ano bang food ang masarap dito?" Inirapan ko si Shone na ngumiti lang sakin. Gumapang na yung kamay ng babae at hinawakan ang kamay ni Shone. Parang gusto kong putulan ng kamay ang babae to!

Makalandi wakas, Nabalitaan naman yata niya diba, na may Girlfriend na si Shone.

"Shone, are you with me?" Sumunod ang babae sa mata ni Shone na nakatingin sakin. Umiwas ako ng tingin ng lumingon sakin ang babae. Na nakalimutan ko na ang pangalan..

"Oh, Diba siya yung babaeng. Akala ko Girlfriend mo pero, Hindi naman pala." Napatingin ako sa babae. Gusto kong isigaw sa kanya na ako nga ang Girlfriend! Kaya lang ayaw ko ng eskandalo kaya. Hindi nalang ako nagsalita.

Pero, Gusto ko na talaga siyang hampasin ng hawak kong papel.
Wala akong ibang hawak papel lang eh.

"She's my girlfriend, Stacey." Tumawa naman ang babae. Ano namang nakakatawa sa sinabi ni Shone? Tapos nakakainis pa yung tawa niya.

"Your joking, Right?" Nakataas ang kilay na sabi niya. Tiningnan niya pa ako mula ulo hanggang paa." Nakakatawa!, Hindi ako makapaniwala. Wala sa tipo mo ang mga ganitong babae." Yumukom ang kamao ko, At kinalma ang sarili ko. Ano ba ako sa paningin niya at hindi ako pwedeng matipuhan ni Shone!

"Ooder na ba kayo? Hindi naman po kasi ako nandito para insultuhin nyo" Hindi makapaniwalang napatingin sakin ang babae na Stacey pala ang pangalan. Ayaw na ayaw ko talaga yung inaapi ako. Hindi naman kasi ako pinanganak para lang maliitin ng ibang tao.

"Tsk, Your being rude to the customer!" Gusto kong ilabas pagiging maldita sa kanya kaya lang nakatingin naman ang boss ko samin kaya nginitian ko nalang siya.

"Hindi po, Nagtatanong lang," Sinamaan ko ng tingin si Shone, Nakangiti kasi siya habang nakatingin sakin. Nag e enjoy talaga siya kapag nagmamaldita ako.

"I can't believe this!" Kinuha ng babae ang bag niya at nagmarcha paalis ng restaurant. The moment na lumabas yung babae ay agad kong narinig ang malutong na tawanan ng mga kaibigan ni Shone.

"That was fun to watched," Natatawang sabi ni Joshua,

"Umalis na nga kayo, Nakatambay lang naman kayo dito," Bumalik na ako sa counter.

"Bakit umalis yung customer?" Tanong sakin ng kasama ko sa trabaho.

"Hindi yata, Nagustuhan ang pagkain kaya umalis!" Pumasok na ako sa kitchen para maghugas ng mga plato. Nakakainis!

Accidentally Mine(Completed)Where stories live. Discover now