Chapter 28

1.3K 61 67
                                    

Xia

3 years later

TUMINGIN ako sa labas ng bintana ng eroplano, I can't believe nakabalik na ako, after three years na hindi ako tumapak ng Pilipinas. Nandito na talaga ako ulit,

Sinandal ko ang likod sa upuan at hinintay ang mga taong makababa lahat, bago ako sumunod sa kanila.

Ayaw kong makipagsiksikan sa mga tao,

Sinuot ko ang sun glasses ko, bago naglakad palabas ng eroplano. Philippines is still the same. Mainit. Pero, Ang saya sa pakiramdam na maramdaman na nandito na nga ako sa Pilipinas. Sa mahabang panahon na hindi ako nakauwi.

Nang palabas na ako ng arrival area ay nilibot ko ang paningin at napangiti ng makita siya. Nakangiti siya habang kumakaway sakin.

I can't believe, His still handsome as always.

May dala pa siyang banner na may nakalagay na Welcome home. Napailing nalang ako habang naglakad papalapit sa kanya.

"What's this?" Natatawa kong tanong sa kanya ng makalapit ako sa pwesto niya. Natawa nalang ako ng bitawan niya ang hawak na banner at niyakap ako ng mahigpit.

"I miss you so much.." I hugged him back,

"And I miss you too" Naramdaman kong humigpit ang yakap niya sa akin.

"Namiss talaga kita," Tinapik ko ang likod niya. Napabitaw kaming dalawa ng may tumikhim sa likod namin at nanlaki ang mata ko ng makita si Besty at ang Mama ko. Agad akong tumakbo papunta kay Mama at niyakap ito. Sobrang na miss ko siya.

"Welcome home, Anak!" Sabi ni Mama habang yakap ako, Naiiyak na naman ako dahil sa sobrang saya, Ilang minuto din bago kami bumitaw sa isa't isa. At ng maghiwalay kami mula sa yakap ng Mama ko ay bumaling ako kay Besty. Sobrang na miss ko rin.

Umikot pa ang mata niya bago ako niyakap.

"Hindi kita na miss" Sabi niya sakin. Mas hinigpitan ko naman ang yakap sa kanya.

"Hindi rin naman kita na miss eh," Mabuti na lang at pagkalipas ng maraming taon ay nakabalik na din si Besty sa pilipinas at for good na yun.

At kaya din ako umuwi para magtayo na kami ng negosyo. Dahil sa tatlong taon na nandoon ako sa ibang bansa ay nakapag ipon na ako ng kaunti para sa pagsisimula namin ng negosyo.

"Ang boyfriend mo kanina na hindi mapakali sa paghihintay sayo" Napalingon kaming dalawa ni Besty kay Kaizer. Habang nakangiti siya sa akin.

"Ang ganda ko kasi kaya hindi niya mapigilan ang sarili niya." Pabiro kong sabi.

"Yeah, Whatever... Let's go home. Alam ko pagod kana," Lumapit sakin si Kaizer habang dala ang mga gamit ko.

Pinagsilop niya ang mga kamay namin at naglakad kami palabas ng airport. Naka angkla naman ang mga braso ko sa braso ni Mama.

Sobrang na miss ko talaga ang Mama ko.

SUMAKAY kami sa kotse ni Kaizer, Nasa backseat si Mama at Besty. Ako naman, Ay nasa tabi ni Kaizer. Hawak niya pa rin ang kamay ko habang at hinalik halikan ito.

Sinandal ko ang ulo sa upuan dahil sumasakit yata ang ulo ko dahil yata sa byahe.

"Magpahinga kana muna Babe, Gigisingin nalang kita kapag nakarating na tayo sa bahay nyo. Okay?" Tumango ako, Nang tumingin ako sa likod ay nakatingin samin si Mama at Besty. Nailing nalang ako at pinikit ang mata.

I never thought that I would love again.

But then Kaizer Villanueva came into my life. He change me to something new.

Accidentally Mine(Completed)Where stories live. Discover now