Chapter 7

2.3K 105 153
                                    


Chapter 6

- xia

ABOT langit ang ngiti ko ngayon, para kasi kaming nagda-date, Ang saya saya ko lang.

Magka-date kami ni Shone! Ayiee.

"Wag kang ngumiti mag isa, it's creepy" panira talaga ng moment tong si Shone, Sinimangutan ko naman siya. Sirain ba naman ang pagmo-moment ko?

"Wag mo akong pakialaman" kumakain kami at nagkakamay ako, wala silang pakialam, na gutom ako don sa makeover chuchu, ni Shone, Ang hirap pala talaga magpaganda nakakapagod!

"Tsk," kumain na lang din siya, Ang cute naman niya magsungit sarap pisilin!

"So? What we have here?" Napalingon ako sa likod ko, nagbago rin 'yung aura ni Shone ng makita 'yung babae lumapit sa amin.

"What are you doing here Stacey?" Humarap sa'kin 'yung babae.

"This is your new girlfriend? " at hindi pinansin ang sinabi ni Shone, sa tingin palang nong babae, parang sukang-suka na siya sa'kin, ganoon din naman ako sa kanya. Kaya same lang kami.

"Can i join? I'll be the one paying the bill" kahit hindi pa kami pumayag naupo na siya, by four kasi tong table namin, kaya nakasingit tong babaeng haliparot na to, maganda siya, ang graceful umupo nakakainggit siyang tingnan, Kaya lang masama ang ugali. Kaya wag na lang!

"So? Ikaw pala ang pinalit niya sa'kin" sobrang taas ang kilay niya, Kaya tinaasan ko din siya ng kilay. Sige pataasan tayo ng kilay.

"Bakit naging kayo ba?" walang pagda-dalawang isip kong sabi, akala niya ha? "And your are?" Bigla na lang nagbago ang itsura niya promise, para na siyang dragon na gustong magbuga ng apoy sa akin. Tiningnan ko si Shone ngumisi naman ito, nag eenjoy pa yatang tingnan kaming mag bangayan ng babae niya.

"Excuse me?" Mataray na sabi niya, pakialam ko kong mag taray siya, ayaw na ayaw kong tinatarayan ako!

"Oh, sorry.. So ano ka pala ni baby Shone?" Kung kanina, burara akong kumain ngayon pahinhin ako teh! nandyan ang epal eh, so let's start our acting lesson. Nang-gigigil ako sa kanya. Gusto kong sampalin ang pagmumukha ng babaeng ito sa pagsampal niya kay Shone!

Kahit alam kong naiinis na siya, ngumiti pa rin siya sakin nang PLASTIC. Caps lock para intense! Ganoon ka plastic ang ngiti niya.

"Bakit wala bang sinasabi si Shone sayo?" Siguro balak niya akong asarin, Sorry pero hindi ako madaling maasar, Ngumiti ako nang matamis sa kanya.

"Ano namang dapat sabihin sa'kin ni Baby Shone? Na may mga babaeng sunod nang sunod sa kanya na parang desperada? 'Yun ba ang gusto mong sabihin niya sa'kin? Alam mo wala naman akong pakialam kong ano ka ni Shone, sa nakikita ko kasi sayo ngayon. Para kang babaeng desperada na gusto lang sirain ang masayang lunch namin." Nginitian ko siya. Para lalo siyang maasar sa'kin! Bigla nag bago ang expresyon ng mukha niya, duh!, natamaan yata siya sa sinabi ko. Ganoon talaga magaling ako eh.* wink

Namula ang mukha niya habang nakatingin sa'kin. Napangisi naman ako, Ano ka ngayon Stacey? Fight me!

"Are you insulting me?" Nakataas ang kilay na sabi niya.

Accidentally Mine(Completed)Where stories live. Discover now