Chapter 11

1.9K 98 81
                                    

-xia

PARA akong ginigisa sa sarili kong mantika habang kumakain kami! My God!. Bawat tingin sa akin ng lola ni Shone ay para akong himatayin sa sobrang kaba.

Halo-halo 'yung naramdaman ko ngayon. Kaba, takot, pagsisi kong bakit pa ako sumama dito. Sana pala hindi nalang ako sumama. Mapapahamak lang pala ako dito. Pagkababa ko palang sa hagdan kanina parang bibigay na yung tuhod ko dahil sa sobrang kaba na nararamdaman ko.

"What's your name young lady?"Ayaw kong salubongin ang mga tingin ng lola ni Shone. Pakiramdam ko kasi tumatagos 'yun hanggang sa kaluluwa ko. Parang si kamatayan!!

"A-ahm.. Xiamara Althea Santos po" Halos hindi ako makapagsalita, May bumabara sa lalamunan ko at para akong masusuka habang kinakausap ako ng lola ni Shone.

Hinawakan ni Shone ang kamay ko, Napansin niya yata ang panginginig nito. Inipit niya ang mga hibla ng buhok na nalaglag sa mukha ko at hinalikan ako sa noo.

Gusto kong kiligin kaya lang, hindi parin mawala ang kaba ko!

"Anong trabaho ng mga magulang mo, Ija?" Tiningnan ko si Shone na nakatingin din sakin. Natatakot akong sumagot baka, Kung ano pang masabi kong mali at ikagalit ng lola ni Shone.

"Grandma. Wag mo naman takutin ang girlfriend ko. Mamaya na ang interrogation. Let's eat first" Nakahinga ako ng maluwag ng sumabad si Shone sa usapan namin.

Para akong mauubusan ng hinga. O baka nga hindi ako humihinga habang nakatingin sakin ang Grandma ni Shone.

"Fine" Para akong nabunutan ng tinik ng sila Shone at Grandma niya ang nag uusap tungkol sa buhay-buhay nila. Hindi ko naman maintindihan kong anong pinag-uusapan nila kaya nanahimik nalang ako at kumain ng dahan-dahan. Gutom na gutom na talaga ako, Kaninang tanghali hindi ako nakakain at gabi na ngayon, kaya nagwawala na ang mga bituka ko sa tyan.

Nabitawan ko pa ang kutsara ko ng tumikhim ang Grandma ni Shone at ng inangat ko ang ulo ko ay nakatingin siya sa akin.

Sa taranta ko ay nahulog ko pa yun sa ilalim ng lamesa kaya dali dali ko yung pinulot at nauntog pa ako sa ilalim ng lamesa.

Kahit masakit ay umayos ako ng upo na parang walang nangyari, Narinig ko ang pagpipigil ni Shone ng tawa. Gusto ko talaga siyang sapakin. Kaya lang hindi ko yun magawa dahil nasa harap namin ang Grandma ni Shone.

"Are you okay?" Tanong sakin ng Grandma ni Shone.

"Ayos lang po ako," At mas lalo kong kinainis ay ang mahinang pagtawa ni Shone hinawakan ko ang kamay niya at kinurot.

"Mabuti kong ganoon," Nagpatuloy sa pagkain ang Grandma ni Shone. At ganoon din ako hindi ko na pinansin pa si Shone. Baka kasi hindi ako makapagpigil at masabunutan ko pa siya sa harap ng Grandma niya.

Napahiya na nga ako tinawanan pa niya ako.

"Are you done?" Tanong sakin ni Shone, Tumango nalang ako. Kahit gutom parin ako, Talagang gutom ang aabutin ko dito.

"Ipapasyal ko lang siya sa labas Grandma."

Isang tango lang ang ibinigay ng Grandma ni Shone sa amin. Hinila na ako ni Shone sa kung saan.

Nang buksan niya ang pinto ay sumalubong samin ang isang green house na punong puno ng bulaklak. Sobrang liwanag ng ilaw kaya kitang kita ko kong gaano ito ka ganda at iba't iba pa ang kulay.

"Wow, ang ganda!"

"Mahilig pala ang lola mo sa mga bulaklak?" Gusto kong tingnan lahat ng mga yun.

Para akong nasa ibang lugar, Dahil sa amoy at kulay ng mga bulaklak na nandito.

Ang bango talaga,

Accidentally Mine(Completed)Where stories live. Discover now