Chapter 22

1.3K 69 76
                                    

DARKROSES-- Rythm582 wizvisionary beastdream thank you sa support,

Xia

NAPAKAGANDA ng gising ko at rinig ko ang alon ng dagat, Naghikab ako at niyakap ulit ang unan ko.

Ilang minuto pa akong nakapikit at bago napagpasyahan na bumangon. Mag-toothbrush ako at naligo pagkatapos ay lumabas ako sa terrace at nakangiting pinagmasdan ang dagat.

Ngayon lang yata ako, Gumising ng ganito kasaya.

Naputol ang pag iisip ko ng may tumikhim sa gilid ko.

Si Ford yun.. ngumiti ako sa kanya.

"Good morning," Tumango lang siya sakin.

"Do you know that today is Shone's birthday?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Talaga?" Tumango siya,

"Do you have a gift for him?" Nakagat ko ang labi ko, Wala talaga kasi akong alam na birthday niya pala ngayon.

"Wala akong gift sa kanya eh," Ano kaya ang gagawin ko?

"Just be with him, Yun nalang ang gift mo sa kanya. Papasok na ako sa loob," Tumango lang ako kay Ford, Nag iisip parin ako kong anong regalo ko kay Shone.

"Sunshine? Are you awake?" Narinig ko si Shone sa labas ng pinto ng kuwarto ko kaya nagmadali akong buksan ang pinto. Ngumiti siya ng makita ako. May dala siyang breakfast sakin. Niluwagan ko ang bukas ng pinto at pinapasok siya.

Naglakad siya papunta sa bed side table at doon pinatong ang tray na may lamang breakfast.

Nakangiti parin siyang lumapit sakin at hinalikan ako sa noo.

"Good morning, Sunshine..
Let's eat?" Nagpatianod nalang ako sa kanya ng paupuin niya ako sa kama at binigay sakin ang pagkain. Nakatingin lang ako sa kanya. Sasabihin ko kaya sa kanya na happy birthday?

"Why are you staring at me that way?" Umiling lang ako,

"Wala kumain na tayo?" Sabay kaming kumain ng breakfast at nakikita ko siyang nag-eenjoy habang magkasabay kaming kumakain.

Mamaya ko nalang sasabihin sa kanyang happy birthday kailangan ko pang pag isipan kong anong gagawin ko sa birthday niya.

Pagkatapos naming kumain ay sabay kaming bumaba sa salas at nakita namin ang mga kaibigan niya na nakaupo sa sofa at nanunuod ng basketball.

"Good morning, Xiamara..." Bati sakin ni Joshua,

"Good morning," Nakangiti kong sagot sa kanya. Kahit hanggang ngayon nahihiya parin ako. Dahil sa nakita nila kagabi kaya lang wala naman yung magagawa kapag nahiya pa ako sa kanila.

Kong kausapin ko kaya ang mga kaibigan niya para sa birthday party niya mamaya? Pero, Paano ko naman gagawin yun. Kasama ko palagi si Shone.

"Iinom lang ako ng tubig," Sabi ko kay Shone at naglakad papunta sa kusina.

Naguguluhan parin ako kong anong dapat kong gawin para kay Shone,

Nasa gitna ako ng pag iisip ng pumasok si Joshua sa kusina at kumuha din tubig sa ref. Nakasunod ako sa kilos ni Joshua, Magpatulong kaya ako kay Joshua?

"Xiamara... Alam ko namang gwapo talaga ako, Kaya lang naiilang ako sa titig mo sakin." Sinamaan ko siya ng tingin.

"Pwede mo ba akong tulungan?"Kumunot ang noo ni Joshua.

Accidentally Mine(Completed)Where stories live. Discover now