Chapter 18

1.4K 84 81
                                    

 

xia

ABOT langit ang kabang nararamdaman ko habang nakaluhod sa chapel ng ospital.

Nagdadasal na sana magiging okay din si Shone, Hindi parin maalis sa isip ko ang itsura niya habang nakahiga sa kalsada habang puno ng dugo ang katawan.

Hindi ko magawang tumingin kong saan ang kuwarto niya. Kanina pa ako dito sa chapel at nagdarasal lang na sana maging okay siya. Pakiramdam ko wala akong karapatang makita siya, Kung di dahil sa akin. Hindi siya mababangga ng motorsiklo at hindi siya mapupunta sa ospital.

Papa God! Please... Hayaan nyo sana siyang mabuhay. Pangako aalagaan ko na siya,

Nakapikit ako habang taimtim na nagdadasal. Nang may tumapik sa balikat ko. Nang mag-angat ako ng tingin ay si Ford pala.

"His looking for you," Napapikit ako at lihim na nagpasalamat sa diyos dahil gising na pala siya.

"Hindi na naman niya ako kailangan eh..." Baka mapahamak na naman siya kapag lumapit ako sa kanya. Baka may mangyari na naman sa kanya.

"Hindi ikaw ang magsasabi non," Umupo si Ford sa tabi ko, Magka-cross ang mga braso niya.

"Kapahamakan lang naman dulot ko sa kanya. Marami akong issue sa buhay, At hindi pwedeng madamay siya don. Ayaw kong pati siya dalhin pa lahat ng problema ko. Ford." Gustohin mo naman siyang makasama, Hindi talaga pwede!

"Your the first person that makes my friend smile, laughed, Cry, and do crazy things." But, That doesn't mean I'm special. Kaya nga ako ang una kasi pwedeng may susunod pa. Hindi ibig sabihin na ikaw ang una ay wala ng susunod sayo.

"Makakahanap din siya ng ibang magmamahal sa kanya. At alam ko hindi ako ang taong yun."

"You know what, Your always fighting the feelings inside you. You love him and I can see that clearly."

"Kaya nga nilalayuan ko na siya kasi mahal ko na siya, Mahihirapan akong lumayo kapag mas lumalim pa yun eh." Narinig kong bumuntong hinga si Ford.

"I don't get you, You said you love him? Then why leave him? I don't usually beg for people, But please... Don't leave him, He needs you." Napatingin ako kay Ford na nakatingin sa rebulto na nasa harap namin.

"Kaya lang---"

"Kung gusto mong maging masaya, Leave every doubt behind. Puntahan mo na siya. Gusto ka niyang makita" Walang paalam at umalis na si Ford. Nagdadalawang isip pa rin ako kung pupuntahan ko ba siya o hindi. Pero, sa huli pinuntahan ko parin siya.

NASA bungad ba ako ng pinto pero hindi ko pa rin mabuksan buksan ang pinto.

Hanggang sa bumukas ito at lumabas si Joshua.

"Ano pang hinihintay mo dito sa labas? Pumasok kana," Binuksan niya ng malaki ang pinto at nakita ko si Shone na nakahiga sa kama at may sugat pa sa mukha at braso, binti.

Nag-uusap sila ni Bryan na nasa tabi niya. Napahinto silang dalawa at napatingin sakin. Agad na tumayo si Bryan at nagpaalam na may bibilhin sa labas.

Ako naman nakatayo parin sa may pinto hindi ko alam kong lalapitan ko ba siya o anong gagawin ko.

"Tatayo ka nalang ba riyan?" Sabi ni Shone sakin. Dahan dahan akong lumapit sa kanya. Nakasunod lang ang mata niya sa bawat hakbang ko hanggang makalapit ako sa kanya.

"O-okay kalang ba?" Nakatitig lang siya sakin.

"Are you okay?" Balik niyang tanong sakin. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko at pinaupo sa kama. Umangat ang isa niyang kamay at hinaplos ang ilalim ng mga mata kong alam kong malaki ang eyes bags.

Accidentally Mine(Completed)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant