Chapter 27

1.2K 65 64
                                    

Xia

DUMATING ang araw ng graduation ko. Isa yun sa masasayang araw ko sa buhay sobrang satisfying ng feeling Para ako nakahinga ng maluwag. Nakangiti ang Mama ko. At yun ang unang beses na makita ko siyang ngumiti ng ganoon, mula ng mamatay ang Papa ko.

At masaya ako, na masaya siya. Habang naglalakad ako sa gitna para kunin ang diploma ko. Para akong nakalutang sa ulap.

Lahat ng pagod ko sa pag-aaral parang nag give back lahat. Nang makita ko yung magandang ngiti ng Mama ko at parang naiiyak pa siya sa sobrang saya. Parang umaapaw  din yung saya ko.

Nang makababa ako ay niyakap ako ng Mama ko ng mahigpit.

"Kung nandito lang ang Papa mo, Sigurado magiging proud siya sa'yo anak." Yun din naman ang hiling ko na nandito rin si Papa at nakita niyang nagtapos ako sa pag-aaral. Nakita niya kung paano ko, Tuparin ang pangarap niya para sa akin.

Iyon lang naman ang hiling niya eh, Na makapagtapos ako ng pag-aaral at sana binigyan ako ng oras para maipakita man lang yun sa kanya. Kaya lang hindi na niya naabutan pa.

Kumawala na ako sa yakap ng Mama ko dahil, Parang sasabog ang puso ko sa sobrang pagpipigil ng pag-iyak. Nang makabalik ako sa upuan ay nilingon ko ang tingin sa upuan na para sana kay Shone.

Hindi siya dumating, Huli ko siyang makita ay noong sa bar pa. Mula noon ay hindi ko na nakita kahit anino man lang niya.

Iwas na rin ako sa mga kaibigan niya. Hindi ko pa kasi kayang harapin sila, alam kong napalapit na rin ako sa kanila kaya lang hindi ko maiwasang, Mailang sa kanila ngayon. Tapos na ang lahat samin ni Shone. Kaya mas makakabuti na rin siguro na taposin narin ang ugnayan ko sa kanila.

Napabuntong hinga nalang ako ng tawagin ang pangalan ni Shone bilang Summa Cum Laude. Kaya lang wala siya para magsalita.

Kahit may sama ako ng loob sa kanya. Hinihiling ko parin na makita siyang nagsasalita sa stage. Kahit masakit iniisip ko parin na sana nandito siya, Kasi gusto ko siyang makita.

Gusto kong makita na nakasuot siya ng toga kagaya ko. Hinihiling ko pa rin na sana, Hindi kami naghiwalay. Sana nandyan parin siya sa tabi ko. Sana hindi nagbago ang lahat, Sana may siya pa rin at ako.

Agad kong pinahid ang luha sa mata ko. Nakakainis dahil siya lang talaga ang nagpaiyak sa akin ng ganito.

Gusto ko mang magalit sa kanya, Gaya ng sinabi niya. Hindi ko magawa at hindi ko alam kong bakit.

HANGGANG sa matapos ang seremonyas na si Shone parin ang nasa isip ko. Gusto ko siyang makita, kahit sa huling pagkakataon. Kahit hindi na makausap. Kahit sa huling segundo umaasa parin ako na darating siya.

"Uwi na tayo. Anak, nandyan ang mga ante at pinsan mo." Dahan dahan kaming naglakad palabas sa venue kong saan ginanap ang graduation namin.

Pero, Hindi ko parin mapigilang lumingon. At nagdarasal na kahit ilang saglit lang makita ko siya.

"Hinahanap mo siya?" Napalingon ako kay Mama ng akbayan niya ko.

Hindi ako kumibo, Gusto ko lang siyang makita, Yun lang naman.

"Kalimutan mo nalang siya," Naghirap naman kasi kalimutan ng taong minsan ng naging parte ng pagkatao mo.

Minsan mong minahal, Minsan mong hiningi sa Panginoon na sana siya ang makakasama mo habang buhay.

Para kasing napakadali ng pagtatapos para samin ni Shone. Lumingon ulet ako sa loob at halos huminto ang pagtibok ng puso ko ng makita ko siyang nakatingin sa akin at nakangiti. Hindi ko alam kong pupunta ko ba siya o ano. Pero, sa huli ay naglakad ako pabalik sa loob ng venue. Kaya lang sa dami ng tao sa loob ay nawala siya sa paningin ko. Pinilit kong makipagsiksikan sa mga tao. Pero, Hindi ko na siya nakita.

Accidentally Mine(Completed)Where stories live. Discover now