“Ikaw ang pakay nila!”

Natigilan ako, nagpupuyos ako sa galit, muli akong humarap sa kanya gusto ko s’yang sapakin, bugbugin sa galit, sa lahat ng pinagkakatiwalaan ko sa grupo, s’ya, ang laki ng tiwala ko sa kanya.

“Sumama ka lang sa’min, hindi naming gagalawin ang kapatid mo at ang iba pa, kailangan mo lang sumama sa’min.” Malamig n’yang sabi, hindi ko na s’ya kilala, parang hindi s’yang nakilala kong Ted, o pagpapangap lang ang lahat.

Kasabay ng malamig at malakas na ulan ang pag-agos ng luha ko.

Ano bang nangyayari? Nasapo ko ang buhok, para akong mababaliw sa nangyayari.

“Nangangako ako Charlie, kailangan mo sa’min sumama at iwan sila, matatapos na ang gulong ‘to!”

“Wag mo rin subukin gamitin ang kapangyarihan mo kong ayaw mong mamamatay silang lahat!” Dagdag pa n’ya.

Patuloy pa rin ang kaguluhan at pananakit nila sa ilan.

Hindi ko s’ya pinansin, lumayo ako sa kanya at tumakbo, akala ko ba ligtas na ang lugar na ‘to para sa’min, akala ko matatapos na, hindi pa pala.

Nang makalapit ako sa kubo nila Conan, laking gulat ko na wala na sila ro’n.

“Conan!” Hinalugbog ko ang kubo nila pero ni isa sa grupo walang natira, wala si Alto, si Quinn, Ian at Jordan ay wala lalo na si Conan.

“Ate!”

Nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang boses n’ya, agad akong lumabas, hinanap ko kong na saan sila, hanggang sa makita ko ang grupo ng mga kabataan na tumatakbo patungo sa gubat, nakita ko ang grupo nila, nakita kong pilit s’yang hinihila nila Quinn, hinahanap n’ya ako.

Nagtama kami ng tingin ni Jordan nang makita n’ya ako, hindi ko mabasa ang emosyon n’ya.

Bigla kong naalala lahat ng sinabi n’ya sa’kin kanina.

“Palagi mo ring tatandaan na wag kang magtitiwala sa kahit kanino.”

Napakuyom ako, gusto ko s’yang suntukan, warning ba ‘yon, bakit hindi n’ya sinabi ng diretsahan na may mangyayaring ganito, alam n’ya na ang lahat pero bakit?

Tuluyang nahila si Conan ni Quinn, nanatili akong nakatayo sa puwesto ko, tuluyan na silang nakalayo sa’kin, mas mabuti bang hindi ko kasama ang kapatid ko?

Isang napakalakas na ingay ang umangkin sa buong kagubatan, napatakip ako sa’king magkabilang tenga, sobrang ingay na halos manghihina ka, dahan-dahan akong napaluhod habang takip ko ang tenga ko, may ilan na malapit nang makatakas na natumba dahil sa ingay na ‘yon, gusto ko nang mawala ang ingay pero hindi ko alam kong pa’no, hanggang sa tuluyan na akong tinakasan ng lakas.

Tumama ang malamig na tubig sa buong mukha ko nang magising ako, hindi ako basta nakadilat dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko, do’n ko lang narinig ang ingay sa paligid ko, ang hagugol sa paligid.

Nang maka-adjust ang mata ko sa sinag ng araw, una kong nakita si Karina na nakangisi sa’kin, hindi ko maiwasang hind s’ya samaan ng tingin, pero parang hindi naman s’ya naapektuhan.

Lumayo s’ya sa’kin at lumapit sa grupo n’ya at napapalibutan ng men in black, nasa kumpulan ako ng mga taga-guild na nahuli nila, marami-rami rin kami, agada kong kinabahan, agad na hinanap ng mata ko sila Conan pero hindi ko sila makita, nakatakas na kaya sila? Sana naman. Napansin kong hindi basta simpleng pang gapos ang ginamit sa mga paa namin at kamay para igapos, kulay itim ito na bahagyang mabigat na gawa sa stainless na kulay silver, may nakasulat do’n na mga letra, ‘SIRIUS.’ Nag-blink ang pula nitong maliit na ilaw sa gilid, may mga numero katabi ng ilaw.

Lahat kami’y hindi maipinta ang mukha, may ilang tulala, napakarumi naming dahil sa putik, makikita kong pa’no nagbago ang buong guild, ang mala-paraiso nitong itsura ay para bang dinaanan ng bagyo, napakagulo, lahat ng kubo ay natumba, ang mga gulayan nila ay sira na, ang mansion, nasunog ang kalahati nito.

Nahuli kong nakatingin si Ted sa’kin, katabi n’ya si Percival, saka ko lang napagtano na parang magkahawig silang dalawa, ‘yong bangitin ang apelyido n’yang Ramirez, magkapareho rin sila ni Percival, magkapatid sila? Bakit ngayon ko lang na isip ‘yon? Bakit nagpalinlang ako sa kanya? Ang tanga ko! So lahat ng sinabi n’ya sa’kin, lahat ‘yon hindi totoo, lahat ‘yon kasinungalingan?

Sana ginamit ko na ang kapangyarihan ko nang may oras pa ako para kalabanin sila.

Nilayo n’ya ang tingin n’ya sa’kin, guilty? May karapatan pa talaga s’yang ma-guilty hayop s’ya!

Lahat ay nahinto at napasulyap sa mansion nang may lumabas do’n, grupo ng mga men in black habang kaladkad nila ang mag-asawang bumuo ng guild na ‘to, narinig ko ang bulahaw ni Jacob na nagpataas ng balahibo ko sa braso lalo na’t duguan ang ina n’yang hinang-hina habang ang asawa nitong lalaki ay hila-hila na at walang malay.

“Ama!”

Lalo akong kinilabutan sa narinig ko kay Jacob, nagpupumiglas s’yang nakadapa, wala s’ya sa wheelchair n’ya, hindi n’ya maikilos ang katawan n’ya, dinala ang mag-asawa sa malapit sa’min, binagsak lang nila na parang sako ang katawan ni Laurence sa lupa, lalong nagwala si Jacob kahit na wala na s’yang magagawa, duguan s’ya, namumutla na ang balat.

Napasulyap ako kay Christie na nakangiti sa’kin, nakaramdam ako ng awa sa kanila, bakit ba kailangan nilang madanas ang ganitong kalupit na pasakit?

Namumutla rin s’ya, wala akong ideya kong anong nangyari, pero makikita sa kanyang galos at dugo sa gilid ng labi ang panghihina n’ya at panginginig ng katawan.

Nagtaka ako nang senyasan ni Percival si Celeste, lumapit naman si Celeste kay Christie lahat kami ay nakatingin sa kanya, katulad ko’y nagtataka rin.

Hinawakan ni Celeste ang balikat ng babae, saka unti-unti n’yang nilabas ang patalim sa mismong palad n’ya, lumakas ang kabog ko, muli ko na naman narinig si Jacob, ang balahaw n’ya ang pagmamakaawa nito.

“Wag! Wag si ina!” Garalgal na boses n’ya kakasigaw, humahalo ang luha n’ya sa pawis ng mukha n’ya.

Pero parang hindi nila naririnig ang pagmamakaawa ni Jacob, hanggang sa mabilis na ginilitan ni Celeste ang leeg ng babae, sumirit ang dugo nito at agad na bumagsak ang katawan nito.

Natigilan si Jacob, nabigla, ga’nun din ang at ako, bigla na naman sumagi ang alaala kong pa’no namatay si papa sa kamay ng isa ring null.

“Hindi naman mangyayari sa guild ninyo ‘to kong hindi ninyo pinatuloy ang isa sa mga bago ninyong bisita, s’ya ang sisihin ninyo,” narinig kong nagsalita si Percival, nakangisi s’ya sakin, napakuyom ako sa galit, wala akong magawa kong di tignan lang sila ng masama.
-----------
Note: Whats on your mind on this chapter?

Project NullWhere stories live. Discover now