CHAPTER 50 The Resignation

357 12 0
                                    

Kinabahan si Gian at sinulyapan ang mga tauhang nasa likuran ni Vince.

"Ligtas na siya."

Tila nakahinga ng maluwag ang binata.

" Salamat naman."

Binati siya ng mga kasama ni Gian at bahagya siyang tumango.

" Kumusta Ms. Ellah? Mabuti nakaligtas kayo. " tanong ng iba pang tauhan ng nobyo.

Wala siyang nakikilala sa mga ito.

" Ah, oo maraming salamat sa inyo, " nakangiti niyang tugon ngumiti din ang mga ito.

"Captain, kumusta kayo? Napakagaling niyo talaga sir!"

Naisip ng dalaga na ito pala ang hawak na tauhan ng binata sa grupo nito.

"Pangatlong buhay mo na ito pare ah?" ani Vince.

Napalingon siya at kumunot ang noo subalit nang magkatuwaan ang mga ito ay natahimik siya.

Kahit magulo at maingay, lahat naman ay masaya.

At siya?

Maligayang-maligaya!

Ilang sandali din ang dumaan bago niya nasolo ang binata.

"Kumusta ka na?"

"Masayang-masaya ako at buhay ka. Ligtas ka, " sagot niyang nakangiti.

Niyakap siya ng binata.

"Maraming salamat at ligtas ka, " wika nito.

"Maraming salamat at ligtas ka, " sagot niya at niyakap din ito.

Halos ayaw na niyang kumalas pa pero nang maisip ang ginawa nito kumalas siya.

"Next time huwag mo na uli akong ipagtabuyan pwede?"

"I'm sorry, pero wala ng next time na ganoong pangyayari.
Ginawa ko 'yon para hindi ka mapahamak. "

"Itatanong ko pala 'yong sinabi ni Vince, tungkol sa pangatlong buhay ano 'yon?"

Huminga ng malalim si Gian.

"Minsan ay pinagtangkaan ako, noong mga panahong bodyguard mo pa ako."

Napamulagat ang mga mata ni Ellah.

"Bakit hindi mo sinabi! Sinong nagtangka sa'yo?"

"Si Galvez, noong panahong ipinagtatanggol mo ang tauhan ninyo iyon ang panahong pinagtangkaan niya ako. "

"Kailan ka pinagtangkaan? "

"Noong mga panahong pauwi na ako at panay ang tawag mo. "

"What!"

Bigla siyang nakaramdam ng bigat sa dibdib.

Tumatawag siya habang nasa panganib ang nobyo niya!

Muli na naman siyang napaiyak.

"Shhh, wala na 'yon, matagal na 'yon, " niyakap siya ng binata.

Gumanti siya ng yakap. "I'm sorry, I'm so sorry, " hinagod nito ang kanyang likod.

"It's okay, tapos na 'yon. "

Mahigpit niyang niyakap ang kasintahan.

Lubos ang kanyang pagpapasalamat dahil sa kabila ng panganib na dumating sa buhay nito palagi pa rin itong nakakaligtas.

Ipinikit niya ang mga mata at nanalangin.

Maraming salamat Po.

---
Papunta ang binata sa opisina, kung dati nag-iisa siya, ngayon ay may kasama na.
Ang dalawang gwardya.
Pinaghatian kasi nila ang apat, sa utos na rin ni don Jaime pero mas dumami ang mga bodyguard ng dalaga bukod sa dalawang kanang kamay nito.

WANTED PROTECTOR Donde viven las historias. Descúbrelo ahora