Chapter 57 The Wanted

55 3 0
                                    

Napakurap si Gian.

Sanay siya sa gulatan subalit hindi ganitong totohanan.

Alam niyang hindi nagbibiro ang mga ito.

At hindi dapat binibiro ang salitang 'salvage'.

Alam niyang sa pagkakataong ito nabibilang na ang oras niya.

Tumayo siya at bumaba habang nakaposas ang mga kamay sa likuran.

Madilim subalit nasanay na ang kanyang mga mata at naaaninag na niyang may bangin sa gilid nila.

Posibleng sinadyang dito gawin ang binabalak sa kanya upang itapon na lang pagkatapos.

Mariin siyang napalunok.

Habang bumababa nakasunod ang limang kasamahan niyang nakatutok ang mga kalibre kwarenta y singkong baril sa kanya.

Nang nasa lupa na siya ay sumalubong ang lamig ng gabi sa buong kapaligiran kasing lamig ng kanyang mga kamay.

Aaminin niyang natatakot siya.

Sa trabaho niya noon hindi siya natatakot pumatay at mamatay.

May itinanim na motto sa kanila na 'License to kill and be killed.'

Pero ngayon natatakot na siya dahil kay Ellah.

Umatras siya patungo sa bangin. Hindi ito masyadong malalim ngunit kagubatan ito.

"Villareal, masyado ka ng maraming alam. Kung nanahimik ka lang ay hindi ka patatahimikin," anang isa sa mga ito.

Umigting ang kanyang bagang sigurado siyang si Delavega ang may pakana nito.

Sa oras na mabubuhay pa siya, siya mismo ang papatay sa mga ito.

"Kalagan 'yan bago dispatsahin!"

'Diyos ko patawad. '

Kung sakaling hindi na siya palarin, makahingi man lang ng tawad sa lahat ng kanyang kasalanang nagawa.

Lumapit sa kanya ang isa sa mga ito at nahagip ng kanyang tingin ang pagsuksok nito ng baril sa likuran nito.

Tumiim ang kanyang tingin sa lalaking papalapit.

Iisa ang tanging paraan upang makaligtas iyon ay ang manabla.

Suicide.

Tablahan na.

Mamatay ang mamatay pero hindi siya papanaw nang hindi lumalaban.

"Mag-iingat dating PDEA 'yan, matinik ang isang 'yan!" anang tila pinuno ng mga ito.

Napailing siya.

Alam na ng mga ito ang dati niyang trabaho pero ang tatapang ng
hiya at kapwa pulis pa niya ang papatay sa kanya.

"Talikod!" singhal nito at ginawa niya.

Ilang sandali pa kinalagan na siya nito bago naglakad ang lalaki palayo.

Tumalim ang tingin niya sa baril na nasa likuran ng naturang lalaki.

Alam niyang anumang sandali ay tatapusin na siya.

"Dispatsahin niyo na!"

Mabilis ang pangyayari.

Pinagbabaril siya ng mga ito ngunit mas nauna siya sa paghila sa lalaki  paharap at siyang ginawang panangga sa mga balang naglipana.

Kasabay ng kanyang paghila sa naturang lalaki ay ang paghablot ng binata sa baril na nasa likuran nito kasabay ng pagtalon niya sa bangin paharap ay pinagbabaril apat na kalaban.

WANTED PROTECTOR Where stories live. Discover now