CHAPTER 20 The Protection

761 25 0
                                    


"Jen, wala ba akong meeting?"

"Wala po Ms. pero may kumakalat na tsismis ngayon Ms. Ellah. "

"Tungkol saan?" napakunot ang kanyang noo.

"Ms. ayoko po sanang manggaling sa akin pero Ms. ang sabi-sabi may, may relasyon daw kayo ng bodyguard niyo. "

Napatayo ang dalaga.

"Hindi lang 'yon, may kumakalat ding isumbong kayo sa Chairman para mapatalsik sa pwesto. "

Wala pa mang nangyayari pero ang balita ay meron na?

"Sinong nagpakalat niyan!"

"Hindi ko po alam Ms."

"Magpatawag ka ng meeting sa lahat Jen, ngayon na!"

"Yes Ms."

Kung sino man ang naninira sa kanya tiyak na may lihim itong galit at matagal naman na niyang kilala kung sino ang mga 'yon!

Matapos maayos ng sekretarya ang utos niya ay dumeretso siya sa conference room.

Nang makita niya ang mga taong naroon ay hindi niya mapigilan ang kanyang galit at hinanakit.

"Good morning Ms." bati ng lahat.

Pumunta siya sa gitna at nagsalita.

"Good morning, kaya ko kayo ipinatawag lahat ay para malaman ninyo na ang reject nating gabundok ay paubos na

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Good morning, kaya ko kayo ipinatawag lahat ay para malaman ninyo na ang reject nating gabundok ay paubos na. At ngayon, nababawi na ang ating kalahating milyong lugi!"

"Ms. hindi pa naman nalugi 'yon dahil hindi naman natin itinapon." Ang  ang nagsabi noon ay pangalawa sa may pinakamataas na posisyon.

"Hinarap niya ito. " Hindi nga itinapon pero wala rin kayong ginawa. Mr. Go, ikaw ang Presidente bakit hindi mo man lang ito naisip? "

Hindi na ito kumibo.

Tinitigan niya ang bawat isa.

"Hindi ba kayo natutuwang magagamit pa ang inaakala nating patapon na?"

Umugong ang bulungan.

"Natutuwa kami Ms. Ellah. "

"Kung gano' n, bakit wala man lang isa sa inyo ang nakaisip ng ganoong paraan?"

Natahimik ang lahat.

"Mr. Javier ikaw ang nasa marketing department bakit hindi mo naisip ang ganitong paraan?"

"Naisip na rin Ms. kaya lang natatakot akong baka mas malugi tayo kapag sinubukan nating ihalo sa high class. "

"Pero hindi 'yon ang nangyari, tingnan niyo ngayon, napapakinabangan natin. "

Katahimikan.

"Iyong pagbaba ng three percent ng presyo sa ating purchasing, bakit hindi niyo naisip 'yon? Na pwede pa pa lang ibaba ng hanggang three percent ang presyo."

WANTED PROTECTOR Where stories live. Discover now