CHAPTER 31 The Mask

684 25 0
                                    

Naipikit ni Ellah ang mga mata.

Bagama't nahihirapan pinilit niyang magpakatatag alang-alang sa kumpanya at sa mga taong umaasa sa kanya.

“Please, tigilan na natin ‘to. Ayoko na ng gulo, pakiusap. Kapag nagkita tayo, magkunwari ka na lang na hindi mo ako kilala dahil gano'n din ang gagawin ko. Magkalimutan na tayo. ”

Natahimik ang binata.

At naglakad siya palayo. Bawat hakbang niya ay isang parusa!


---

Natigagal si Gian sa narinig. Hindi siya makapaniwalang magkukunwari na lang ito!

Magkukunwari gamit ang makapal na maskara!

Na sa likod ng maganda nitong mukha ay may nakatagong maskara.

Maskara na siya lang ang tanging nakakakita!

Tumalim ang titig niya sa babaeng papalayo na naman sa kanya. Sa babaeng wala ng ginawa kundi ang saktan siya.

'Tatanggalin ko ang maskara mo Ellah!'

Mabilis niya itong hinawakan sa isang braso at hinila pabalik.

“Hindi pa ako tapos sa’yo. ” Halos magliyab ang tingin niya rito sa tindi ng galit na nararamdaman.

“Aray! Ano ba bitiwan mo ako!” Hiniklas nito ang braso subalit mahigpit ang pagkakahawak niya

“Mag-uusap tayo at sasagutin mo lahat ng itatanong ko!”

Halos ibalya niya ito nang bitiwan niya.

“Ano bang gusto mong malaman!”

“Bakit ka nandito?”

Napailing ang dalaga.

“Kasasabi ko lang para magpahangin.”

“Liar!” sigaw na niya. Gustong-gusto na niyang saktan ang babae kung magagawa niya lang.

“O sige, para mag relax, mag-isip. ”

“Ng ano?”

“Kung paano makakahanap ng solusyon. ”

“Sa ano?”

“Sa problema ko. ”

“Tungkol saan?”

Napabuga ito ng hangin at tinitigan siya, kaya nagsukatan sila ng tingin.

Sa pagkakataong ito hindi siya ang magpakumbaba.

“Mr. Villareal, do I need to explain myself to you?”

“You should!”

“Personal ang problema ko!”

“Ano ‘yon?”

“Huh! Bakit ko sasabihin sa’yo? Sino ka ba?”

Tinitigan niya ng matalim ang dalaga.

“Wala! Wala lang naman ako sa’yo hindi ba? Kaya bakit ka pa nagtatanong? Halata mo na ang sagot!”

“Pwes, hindi mo na dapat malaman pa!”

“Kung hindi ka nagpunta dito, hindi kita tatanungin, pero nandito ka!”

“Walang kinalaman ang lugar sa problema ko!”

“Alam ko!”

“Kung gano'n, malinaw sa’yo na wala kang kinalaman!”

“Alam ko!”

“Walang patutunguhan ang usapang ito!” humakbang ang dalaga.

Mahigpit niya itong pinigilan sa isang braso.

WANTED PROTECTOR Where stories live. Discover now