Chapter 90 The Punishment

54 1 0
                                    

"ANONG SINABI MO?" Hysterical si Isabel sa narinig.
"Hindi ako sasama hindi ako papayag na kami ang magbayad sa kasalanan ni kuya!
Ang mga Delavega ang dapat managot hindi kami!"

Umagang-umaga nasa bahay nila ang dalawang lalakeng ayaw na niyang makita.

Nananahimik na sila at bigla na lang sumulpot ang mga ito at walang kaabog-abog na nagpasabog ng isang nakakagimbal na balita.

"I had no choice Isabel, sasama kayo sa akin at harapin ninyo ang inyong kasalanan."

Bumalatay ang takot sa kanyang anyo.

"Gian napag-usapan na natin 'to!
Hindi ba ginawa ko na ang lahat para hindi na umabot sa ganito?
Hindi kami sasama ni tatay!" matigas niyang tugon.

Tumalim ang tingin nito sa kanya. "Sasama ka at magbabayad kayo."

"Hindi ko alam na magagawa mong magtraydor. Paano ba nalaman ng mga Lopez ha? Sinabi mo talaga?"

Masakit sa kanya na ang lalaking minahal ay magagawa ang ganito.

"Ako ang nagsabi Isabel."

Humagkis ang kanyang matalim na tingin sa taong nasa likuran ni Gian.

"Ikaw? Ang kapal din naman ng mukha nong isumbong ako gayong wala ka namang kinalaman! Kasalanan mo ito Maravilla!" Hinarap niya si Gian nanatili itong nakatingin sa kanya.

"Gian please!" Hinawakan niya ng mahigpit ang braso nito. " Help me please! Wala kaming kasalanan si kuya ang may gawa nito hindi kami!"

Sa halip na mahabag ay iwinaksi nito ang kamay dahilan kaya nag-init ang sulok ng kanyang mga mata.

"Ang kasalanan ninyo ay ang hindi pagtapat sa inyong nalaman at sa halip ay inilihim niyo pa.
Maging ako Isabel may kasalanan sa mga Lopez dahil inilihim ko ang kasalanan ninyo.
Hindi na ngayon, karapatan nilang malaman ang totoo."

Umatras siya at dismayadong- dismayado.

Nabigo siya sa taong pinagkakatiwalaan niya at minahal.

"Ang mga Delavega ang may kasalanan hindi kami!
Bakit kami ang pinagdidiskitahan ninyo!"

"Anong nangyayari dito?"

Lahat sila ay napalingon sa kadarating lang na ama niya galing sa pamimili ng tinapay.

Mabilis niya itong nilapitan na tila nakakita ng kakampi.

"Tay!"

"Oh, Gian, Vince, napadalaw kayo?"
Masigla ang anyo na saad ni mang Isko. " Kumain na ba kayo? May dala akong tinapay mag-"

"Tay! Hindi sila nandito para dumalaw," naiiyak na niyang wika at kumapit sa braso ng ama.
"Pinagbabayad nila tayo sa kasalanan ni kuya, natatakot ako!"

Naglaho ang masayang anyo ng matanda at napalitan ng pag-aalala.

"Gian, Vince totoo ba?"

Huminga ng malalim ang binata bago lumamlam ang tingin sa ama ni Isabel.

"Pasensiya na ho mang Isko, pero gusto kayong makaharap ni don Jaime."

Kitang-kita ang takot sa mga mata ng matanda.
Nabitiwan nito ang dalang supot ng pandesal.
"P-pero Gian, hindi ba maayos naman ang naging usapan natin na kalimutan na lang at ang kapalit ay ang pananahimik namin?"

"Mang Isko, ginawa ko ang bagay na 'yon dahil sa utang na loob ko sa inyo.
Iniligtas ninyo ako sa tiyak na kapahamakan kaya nagawa kong ilihim ang inyong kasalanan.
Pero ngayong alam na ni don Jaime, panahon na para harapin ang totoo.
Huwag na po tayong magtago. Haharapin ko na ang kasalanan ko sa mga Lopez."

WANTED PROTECTOR Where stories live. Discover now