CHAPTER 9 The Favor

920 38 0
                                    

HUMINGA ng malalim si Gian.

"Iniisip kong ihalo ito sa mga high grade ninyong produkto at ng sa gano'n, hindi mahahalatang may halong reject."

Napaatras ang dalaga.

"Hindi pwede 'yang naiisip mo paano kung ang high grade naman ang ma reject eh di mas lalo tayong nalugi?"

"Sa negosyo, hindi mo kailangan ang sigurado, kailangan mong sumugal at subukan lahat ng pwedeng paraan."

"Nag-aaksaya lang tayo ng panahon, matagal na 'yang kinalimutan. Alam mo ba kung magkano ang halaga ng reject na 'yan?"

"Magkano?"

"Mahigit isang milyon, pero ngayon hindi na 'yan aabot kahit isang daang libo."

"Believe me Ms. Ellah, kaya niyo itong pagkakakitaan kagaya ng sinasabi mo."

"Nagbibiro ka ba?"

"Hindi biro ang sumugal sa pera kaya bakit kita bibiruin?"

Sa huli ay pumayag din ito.
"O sige kumuha tayo ng sample."

Agad kumilos ang binata, naglagay ng produkto sa sako at ilang sandali pa, dala na nila.

Inabutan nila ang production supervisor.

"Good morning Ms."

"Good morning, ibaba niyo ang karga namin, linisan at hugasan tapos i dryer niyo."

"Yes Ms."

Nagsimula siyang magbigay ng instruction.

"Kapag naihalo na natin ang reject sa hindi, saka ninyo subukan kung ubra, gawin nating five is to one, kapag pwede pa, gawin nating five is to two."

Napatingin ito sa kanya.

"Alam mo, naguguluhan ako sa'yo eh, kung gwardya ka ba o business man? Bakit marami kang alam tungkol dito?"

Natawa ang binata.
"Hindi naman, may kunting alam lang sa negosyo."

Pinuntahan nila ang production manager.

"Mr. Valdez, makakapag deliver ba tayo ngayon ng ten trucks sa BMG plant?"

"Yes Ms. hinihintay na lang ang permit to transport at makakapag deliver na tayo."

"Wala namang problema sa dokumento hindi ba?"

"Wala po Ms."

"Mr. Valdez, gusto kong subukang pakinabangan ang reject na ito."

"Ha? Pero pinag-usapan na 'yon hindi ba?"

"Napakahirap ba para sa'yo ang subukan ito?"

"Pagpasensiyahan niyo sana ako Ms."

"It's okay, babalikan kita Mr. Valdez."

"Yes Ms."

"Mag lunch muna kayo."

"Opo Ms."

Naglibot pa sila bago umalis.
"Lunch muna tayo, mamaya matutuyo na 'yong reject na produkto."

"Sige, saan mo gustong kumain?"

"Kahit saan, basta malapit sa site."

Ilang sandali pa nakakita na sila ng karenderya.

"Pwede na diyan," wika ng dalaga.

"Talaga?" panigurado ng binata.

"Oo, ihinto mo, ang mahalaga makabalik tayo agad."

WANTED PROTECTOR Where stories live. Discover now