Chapter 104 The War

65 2 0
                                    

Mansyon ng mga Delavega.

"ANONG SINABI MO!" Dumagundong ang boses ng kausap ni Xander na tiyuhin bunsong kapatid ng ama.

"T-tulungan niyo po ako."

Sa harap ng hapagkainan ay yumuko siya sa mga kamag-anak.

Ito ang kauna-unahang pagkakataong lumapit siya sa mga Delavega nagbabakasakaling may makakaintindi sa kanila ng ama, lalo na sa sitwasyon ngayon.

"Tulong? Talaga bang humihingi ka ng tulong?" sarkastikong turan ng tiyahin, pangalawa sa magkakapatid.

"Nasa panganib si dad, hawak siya ni Jaime Lopez," mariin niyang tugon.

"Hindi ba nasa korte na siya?" ang tiyuhin 'yon.

"Hindi natuloy dahil dinukot siya."

Natahimik ang lahat.

"That is not our fault," matigas na wika ng tiyahin. "Wala na kayong ginawa sa angkan kundi ang bigyan kami ng kahihiyan."

Kumuyom ang kanyang kamao sa ilalim ng mesa.

"Saan ba nanggaling ang inyong tinatamasa ngayon? Nakalimutan niyo na ba?" sumbat niya sa lahat ng naroon.

Natahimik ang mga ito.

"Lahat ng meron kayo galing sa ama ko! Ang mga tinitirhan ninyo, ang kumpanya! Lahat galing sa kanya! Kung talagang ikinahihiya ninyo ang ama ko bakit hanggang ngayon nandirito pa rin kayo?"

Mas tumahimik ang lahat subalit kitang-kita ang galit sa anyo ng mga ito.

"Sumusobra ka na Alexander!" singhal ng tiyuhin.

Padarag siyang tumayo. "Humingi lang ako ng kaunting tulong dahil akala ko may maasahan ako sa pamilyang ito, nakalimutan ko kayo lang pala ang umaasa sa kanya. Ngayong siya ang nangangailangan sinumbatan niyo pa." Tumalikod siya.

"Nasaan ba si Roman?"

Napalingon siya sa tanong ng tiyahin.

Nang dahil sa narinig ay muli siyang bumalik.

"Hawak ng kalaban," mariin niyang saad.

"Buhay pa hindi ba?" tanong ng tiyuhin.

"Hindi nila magagalaw si dad dahil hawak ko ang kaisa-isang apo ng Jaime Lopez na 'yon."

Nagimbal ang tiyahin sa narinig at napatayo sa kinauupuan.

"ANO! NABABALIW KA NA BA!"

Tumalim ang kanyang tingin at binalibag ang mga pagkaing nasa harapan na ikinaputla ng mga ito.

"Baliw? Huh siguro nga! Sino ba ang hindi mababaliw sa nangyayari ngayon! Pinaghahanap ako ng batas, shoot to kill! At si dad, hawak siya ng mortal na kaaway, isang maling kilos ko lang katapusan ko na!"

"Kayo ang may kasalanan! Bakit kami ang sinisisi mo!" singhal ng tiyahin.

"Georgia!" sita ng kapatid.

"Bakit Norman? Huwag mong sabihing kumakampi ka!"

"Dapat ba hindi? Pamilya ang humihingi ng tulong baka nakalimutan mo?" asik din nito.

Natahimik ito.

"Wanted siya! Baka nakalimutan mo!" balik nito.

Ngayon nakatayo na silang tatlo. Naghahamon ang tingin ng bawat isa.

"O bakit? Huwag niyong sabihing kayo mismo ang magsusuplong sa akin! Ha!"

Katahimikan.

Tila walang gustong umawat sa kanya.

WANTED PROTECTOR Where stories live. Discover now