CHAPTER 36 The Advice

690 24 0
                                    

Halos tumalon ang binata sa lamesa makalapit lang agad sa dalaga.

"Ellah? Anong ginagawa mo dito?"

"Busy ka raw? Palagay ko nga. "

Hinawakan niya ito sa braso at inilabas.

"Bakit ka nandito? Alam mong delikado sinabi ko na sa'yo hindi ba? Paano ka nakarating dito?"

"Tinulungan ako ni Vince. "

"Si Vince? Gago 'yon ah hindi ipinaalam sa akin. "

"Gian, hindi basta-basta ang pagpunta ko dito, gusto lang kitang makita kahit hindi na makausap, ako ang nagsabi kay Vince na huwag ng ipaalam sa'yo pero hindi ako nakatiis sa nakita ko kanina. "

"Sinabihan na kita ah? Ang tigas mo naman!"

Hindi na niya napigilan ang pagtaas ng boses.

"Nandito na ako, pababalikin mo pa ba ako!"

Dinala niya nito sa likod kung saan may terrace at malakas ang ihip ng hangin.

Silang dalawa lang ang naroon.

"Wala bang nakasunod sa'yo?"

"Wala naman."

"Okay ka lang ba? Natakot ka ba?"

Hindi ito sumagot.

Niyakap niya ang dalaga mula sa likuran.

"Pasensiya ka na, gusto lang kitang makita, hindi ka na kasi tumatawag eh. "

"Medyo busy lang sa opisina."

"Busy ka nga. "

Kumalas si Gian sa pagkakayakap.

"Paano 'pag nalaman ito ni don Jaime?"

"Alin ang kinatatakot mo 'yong malaman niyang halos isubo mo na ang dibdib ng babaeng 'yon?"

"Ano ka ba, kasamahan ko lang 'yon sa trabaho. "

"Masarap pala ang trabaho mo ano? libre ang magandang tanawin?"

"Selos ba 'yan?" nangingiti niyang tanong.

"Halata ba? Kaya pala hindi ka na tumatawag 'yon pala ay may pinagkakaabalahan kang iba!"

Muli niyang niyakap ang dalaga.

"Bitiwan mo ako!"

Pero mas hinigpitan pa niya ang yakap.

"Na miss kita," bulong niya sa tainga ni Ellah.

"Kaya ako nagpunta dito dahil miss na rin kita tapos 'yong ganoong tanawin ang madadatnan ko? Lagi ba kayong gano'n kung mag-uusap ha? Kulang na lang lamunin mo 'yong dibdib niya. Huh! Kaya pala..."

Naudlot ang sinasabi nito ng selyuhan nang labi ng binata ang mga labi ng nobya.

Nanulak si Ellah pero sandali lang, agad na nitong tinugon ang halik.

Matagal ang halik na 'yon, halos maubusan sila ng hangin ng maghiwalay ang kanilang mga labi.

"Salamat sa pagdalaw mo, buti nakalusot ka sa mahigpit mong bodyguard?"

"Ginawan ko ng paraan."

"Talaga? Ulitin mo ha."

"Sira!" siniko siya nito sa tagiliran.

"Ouch!"

"Hmp! Naiinis ako sa mga ganyang babae, ang lalandi nila!"

"Relax lang, kahit maghubad sila sa harapan ko hindi ko sila papatulan."

WANTED PROTECTOR Where stories live. Discover now