Chapter 60 The Proof

49 3 0
                                    

Titig na titig si Gian sa cellphone na hawak habang nagbabasa sa internet.

Nanuyo ang kanyang lalamunan sa nakalagay na article.

Don Manolo Villareal.

Owner of Real Estate and Construction Company.

Don?

Ibig sabihin mayaman ito.

Huminga ng malalim ang binata at nagpasyang makipagkita sa mga Villareal.

May pera ang mga ito at ito ang kailangan niya.

Humarap siya sa salamin sa loob ng  hotel na tinulugan.

Nasa Ipil siya at nag check in sa Dianne hotel.

Tago ito at medyo nasa loob ng bayan kaya ito ang pinili niya.

Pinagmasdang mabuti ng binata ang kabuuan at nagsimulang ibuka ang bibig.

"Magandang umaga don Manolo!"

Napailing siya paano kung hapon na makarating?

"Magandang hapon po don Manolo?"

Bakit patanong?

'Teka nga bakit don? Hindi ba dapat lolo?'

Kumabog ang dibdib niya sa naisip.

May karapatan ba akong tawaging lolo ang taong ni minsan ay hindi ko pa nakita sa tanang buhay ko?

Tumikhim ang binata at binasa ang isinulat sa cellphone.

"Magandang hapon po don Manolo, ako po si Gian Villareal. Anak ako ni Gerardo at Anna ...this is fuck!"

Napakamot siya sa batok at tumingala.

Ano bang dapat gawin?

Bahala na!

Bitbit ang lakas ng loob, tibay ng dibdib at masidhing determinasyon sa pag-asang may mahingian ng tulong isa man sa kamag-anak, ay lumipad ang binata tungo ng Cagayan de Oro.

Habang lulan ng eroplano ay mataman niyang pinagmasdan ang kaisa-isang larawang ng kanyang lolo na itinabi ng kanyang lola noong nabubuhay pa ito.

Masaya ang mag-ama habang nakaakbay si don Manolo sa kanyang ama na malapad ang ngiti.

Binasa niya ang nakasulat sa likod ng larawan na sulat kamay ng kanyang yumaong ama.

Manolo Villareal I hate you!

Nakangiti ang ama niya sa larawan ngunit sagad sa buto ang galit ng kanyang ama sa ama nito.

Sa ilalim ng sulat ay naroon ang address na ang kanyang ina ang nagsulat ayon sa kanyang lola.

Ang tanging alam niya na noon na kinuwento ng kanyang lola ay galit ang kanyang ama sa ama nito dahil naghiwalay daw ang mga magulang nito dahil sa ama ng ama niya.

Nagkaroon ito ng ibang babae dahilan kaya nagkahiwalay ang mga magulang ng ama niya.

Wala siyang alam dahil bata pa siya noon, wala pa rin siyang alam sa tunay na dahilan hanggang ngayon.

Hindi siya malapit sa kahit kaninong kamag-anak sa panig man ng ina o ama.

Nabuhay siya na tatlong tao lang ang kilala.

Ang ama, ina at lola niya.

Ngunit walang natira sa kanya isa man sa mga ito.

Ngayon ay tatlong tao lang din ang mahalaga sa kanya.

WANTED PROTECTOR Onde histórias criam vida. Descubra agora