CHAPTER 27 The Gloominess

626 27 1
                                    


Halos wala sa sarili si Gian nang makauwi sa kanyang tirahan.

Tinungga niya ang alak habang nakatingin sa kawalan.

Pagkatapos ng pagdukot niya sa taong nagtangkang pumatay sa kanya, napanatag ang kanyang kalooban subalit ngayon, mas malala pala ang kapalit.

Akala niya may pag-asa siya sa dalaga pero wala pala talaga!

Napapailing na muli niyang tinungga ang bote at nilagok ng tuloy-tuloy.

Sa pagkakataong ito, hindi niya gagambalain ang nag-iisang kaibigan.

Nahihiya na siyang malaman nito ang kanyang pagkabigo na naman.

Hindi na niya ipinaalam ang panibagong sakit na idinulot sa kanya ng dalaga.

Nanlalatang humiga siya sa kama at
ipinikit ang mga mata.

Sa tindi ng pagod, sakit at hinanakit ay mabilis siyang nakatulog.

Kinabukasan.

Tunog ng cellphone ang nagpagising sa kanya.

Kinuha niya ang cellphone sa ibabaw ng mesa sa tabi niya at sinagot ang tawag.

“Greg?”

“Good morning sir, ipinapaalam ko lang po na hanggang ngayon hindi pa rin umaamin ang master mind. Baka kapag pumunta kayo dito, aamin na. ”

“Pilitin niyo. ”

“Sir, may problema tayo, may nakakapansin ng nawawala na siya. ”

“What? Akala ko ba malinaw na nag leave siya?”

“Yes sir, pero hindi pa rin siya nagsasalita at hinahanap na siya ng pamilya niya. Panay ang tawag sa cellphone nito at baka anumang sandali ay ipahanap na nila sa mga pulis. ”

“Fuck!”

Sandaling natahimik ang nasa kabilang linya.

Kinalma niya ang sarili.

Hindi pwedeng malaman ng kumpanya na na nasa kanya ang isa sa tauhan ng mga ito. Paaaminin lang niya ito at pakakawalan.

“I’m coming. ”

“Thank you sir, salute!”

“Carry on, ” sagot niya.

Nawala na ito sa kabilang linya.

Nagmamadaling naligo ang binata at nagbihis.
Wala siyang inaksayang panahon.
Ilang araw na kasi niyang hindi inaasikaso ang sarili.
Nilinis niya ng husto ang kanyang bibig na amoy alak.

Tapos na siyang maligo at nakaharap na sa salamin, pero kahit sino ang makakakita mahahalatang namumula ang kanyang mga mata at namamaga pa!

“Shit! Pesteng pag-ibig naman ‘to!”

Kinalma niya ang sarili at isinuot ang sunglasses.

Nasa labas siya ng bahay at naghihintay ng taxi.

“Fucking that damn car!” mura na naman niya.

Hanggang ngayon kasi wala pa rin siyang kotse.

Malamang naghihirap na ang kumpanya nila dahil sa kanya!

Ilang sandali pa may dumaang taxi agad niyang pinara at sumakay.

Agad niyang sinabi ang address ng pupuntahan.

Tahimik sila sa biyahe.

Okupado ang kanyang isipan ngayon.

Pero kakalimutan muna niya ang sariling damdamin, may mas dapat siyang unahin!

WANTED PROTECTOR Where stories live. Discover now