CHAPTER 7 The Pressure

971 36 0
                                    

 "ELLAH?!" Kumabog ng husto ang dibdib niya.

 "Ikaw ba 'yan?" ibinuka ng binata ang mga mata at unti-unti ng luminaw ang nakikita.

Umiiyak ang dalaga sa driver's seat habang hawak ang isang kamay niya.

Napamulagat ang kanyang mga mata at hindi agad nakakakilos. Ni sa hinagap ay hindi niya inakalang ang amo ang makikita niya.

 "I'm sorry Gian! I'm really sorry!"  


Natitigagal siya at mabilis itong naitulak palayo.

Parang binuhusan ng tubig si Gian at nagising sa kalasingan!

"Gian please, patawarin mo ako." Umiiyak na wika ni Ellah habang lumalapit.

"No!" Humalukipkip siya sa gilid ng bintana.

"Gian please."

"No! Stay away from me lady!"

Mabilis niyang tinawagan ang kaibigan.

"Pare pumunta ka ngayon dito sa bar, pumunta ka na dito ngayon na!" Ibinagsak niya ang cellphone matapos i- off.

"Gian, hindi ko sinasadya ang mga nagawa ko..."

"Narinig mo lahat ng sinabi ko?"


Tumango ang dalaga.

"Tang...aaaahh!" sigaw niya at napapikit siya sa kahihiyan.

Napaatras si Ellah.

Sa buong buhay niya ngayon lang siya nakaranas ng matinding kahihiyan!

Muli niyang tinawagan ang kaibigan.

"Nasaan ka na?"

"Nasa labas na."

"Hintayin mo ako papunta na ako diyan," binuksan niya ang pintuan.

"Tulungan na kita." Mabilis bumaba ang dalaga para alalayan siya.

"No!" Iwinaksi niya ang kamay nitong humahawak.

Pa ekis ekis ang mga paang humahakbang si Gian patungo sa kotse ng kaibigan.

"Gian hindi mo kaya!"

"Umalis ka na! hindi kita kailangan. Layas!"

Nanlilisik ang mga mata ng binata habang sinisigawan ang dalaga kaya muli itong napabalik sa loob ng kotse saka nilisan ang lugar.


---

NAPAIYAK si Ellah habang nagmamaneho pabalik.

Sinadya pa niyang puntahan ito para lang pala sigawan siya!

"Ang kapal talaga ng mukha! Hindi na marunong rumespeto! Kung makasigaw akala mo katulong ang binubulyawan!"

Napabuga ng hangin ang dalaga.
Akalain ba niyang mangumpisal ito sa kanyang harapan?

Hindi nga lang ng pagmamahal nito kundi sakit na nararamdaman.

WANTED PROTECTOR حيث تعيش القصص. اكتشف الآن