Chapter 96 The Confirmation

54 1 0
                                    

Martes.

Unang araw ng pagiging Presidente ni Ellah.

Aligaga siya sa pagmamadaling makapasok ng opisina.

Ayaw niyang ma late sa unang araw ng responsibilidad kaya halos takbuhin niya ang hallway makarating lang agad sa parking lot.

"Good morning President!"

Napalingon siya sa mga bumati ng sabay-sabay.

Ganoon na lang ang kanyang pagkagulat sa nakita.
"What are you doing here?" asik niya sa anim na lalakeng naka tuxedo.

"Bodyguards Ms.!"

Simula ng umalis siya sa mansyon ay mag-isa na lamang talaga siya at ngayon nagbabalik na naman ang mga ito at nadagdagan pa.

"I don't need it," matigas niyang wika.

"Pakiusap po madam, ang sabi ni don Jaime wala na raw po kaming trabaho kapag hindi po kayo pumayag."

Napapikit na lamang ang dalaga.

Ganito talaga manggipit ang abuelo. Kapag ayaw niyang kumain ang mga katulong ang masisante.

Ayaw niyang mabahiran ng masamang pangyayari ang kanyang magandang araw.

"Sige na, sige na. Nagmamadali ako."

"Ako po ang driver madam!" anang isa pa at binuksan ang pinto sa back seat.

Agad siyang pumasok at nagbyahe na sila.

Hindi naman ito mga bago pero hindi niya kilala.

Mula ng mamatayan siya ng apat na bodyguards noon ay hindi na niya masyadong kinikilala ang mga ito. Hindi na siya nakikipaglapit ng husto.

Nagpasalamat na lamang siya sa dahil may sasakyan ang mga ito kaya hindi niya nakakasalamuha.

Dalawang check point ang dinaanan nila at nagsusuot siya ng mask tuwing nagbubukas ng bintana, nag susuot din siya ng gloves para makasigurado.

Ilang sandali pa, nakarating na rin sila sa opisina.

Pinagbuksan siya ng pinto ng driver at huminga siya ng malalim bago bumaba.

Masaya siya at masiglang naglalakad papasok nang mapansin niyang nakahilera ang mga empleyado sa hallway na tila may hinihintay.

Maging ang dalawang gwardya ay nakihilera din.

'Anong meron? Papasok ba si lolo? '

Eksaktong nakarating siya sa entrada nang makita siya ng mga ito at sabay-sabay na bumati.

"Good morning Ms. President!"

Natigilan siya.

Ito ang kauna-unahang nangyaring nakahilera ang mga empleyado para hintayin ang kanyang pagdating.

"G-good morning."

Humakbang siya sa gitna ng mga ito kasunod ang limang gwardya.

Sinikap niyang maging pormal sa paglalakad dahil nakasunod ang tingin ng mga iyon.

Pakiramdam niya ay parang ulap ang kanyang nilalakaran sa tindi ng galak ng kanyang puso.

Ang sarap lang sa pakiramdam na siya na nangyayari ang ganito ngayon na dati ay para lamang sa Chairman.

Sa wakas!

Nakuha na rin niya ang matagal ng pinangarap na respeto.

Makakapag desisyon na siya nang hindi natatakot.

WANTED PROTECTOR Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon