CHAPTER 3 The Emotion

1.1K 51 3
                                    

Nakikita ni Gian kung gaano ka pursigido ang kanyang amo.
Magmula sa opisina ay dumeretso agad sila sa site at talaga namang napahanga ang binata.

Palakad-lakad ang dalaga at tinitingnan ang mga gumagawa.

"Mag-oovertime tayo hanggang eleven pm para makapagdeliver, kaya ba ninyo?"

"Yes Ms.!"

Hindi na siya nakatiis kaya nagsalita ang binata.

"Ms. Mukhang safe ka naman dito gusto ko sanang tumulong sa kanila."

Napalingon si Ellah sa kanya.

"Sige kung kaya mo eh!"

"Oo naman!" wika niya at lumapit sa isa sa naroon at agad siyang nagbuhat gaya ng iba.

Marami pa siyang ginawang tulong sa bawat nakikita niyang nahihirapan.

"Salamat," tugon ng taong kanyang tinulungan.

"Walang anuman."

Maya-maya tagaktak na ang pawis niya sa buong mukha.

Nilapitan siya ni Ellah.

"Tama na 'yan, hindi mo 'yan obligasyon, baka mapagod ka na hindi mo na ako maipagmamaneho."

"Don't worry kaya ko 'to, pero sige para hindi ka na mag-alala pa."

Lumakad ito pabalik sa opisina ng site at sumunod siya.

"Sobra ang pawis mo, magpunas ka nga!"

Binigyan siya nito ng towel.

'Mabait ngayon ha?'

"Magmeryenda ka rin may pagkain diyan sa mesa."

'Aba mas bumait pa!'

"Since ikaw naman ang tumulong, ang magiging target sales dito ay isang milyon...o bakit?"

Muntik na kasi siyang mabulunan sa narinig.

"I-isang milyon sa sampung truck na 'yan?"

"Yes, pero siyempre may expenses 'yan so more or less seven hundred thousand na lang."

"Pero malaki pa rin!"

"Medyo, dito ka muna at babalikan ko ang mga tao."

"Sige."

Ngayon niya nakita ang iba pang parte ng katauhan ng dalaga at mas lalo siyang napapahanga nito.

Pero dahil sinabi nito ang isang confidential na bagay ibig bang sabihin ay pinagkakatiwalaan na siya ng dalaga?

Napangiti ang binata nang nag-iisa. Wala siyang pakialam kahit magmukha siyang timang!

---

"Ladies and gentlemen, our sales for this month is three million, less over all expenses we got two million and five hundred thousand plus!" paliwanag ng financial manager.

WANTED PROTECTOR Where stories live. Discover now