CHAPTER 23 The Truth

727 25 0
                                    

Naiinis na pinatay ni Ellah ang cellphone. Kanina pa siya tumatawag sa gwardya pero hindi man lang sinasagot.

"I cancel ba ang tawag ng boss niya? Nakakainis talaga ang lalaking iyon! Take note! Dalawang beses pa! "

Inilagay niya ang cellphone sa lamesita.

Kukumustahin lang naman sana niya kung nakauwi ito ng maayos at bukas agahan ang pagpunta sa bahay nila pero sa kasamaang palad hindi man lang sinagot ang kanyang tawag.

Huminga ng malalim ang dalaga.

Naiisip na naman niya ang nangyari sa meeting at sa bangka.

Mabuti na lang nandoon si Gian.

Hanggang ngayon wala pa rin siyang patunay sa kanyang hinala kung sino ang may kagagawan.

Lumabas siya ng kwarto at susubukan niyang kausapin ang kanyang lolo.

Subok lang makikita naman niya ang reaksyon ng don sa kanyang ibubungad na unang salita.

Pero nadatnan niyang may kausap ito sa cellphone at seryoso ang mukha habang nakaupo sa terrace.

"Anong ibig mong sabihin? Punyeta! Pakitaan mo ako ng ebidensiya sa oras na nagsisinungaling ka o niloloko mo ako siguraduhin mong hindi ko na makikita ang pagmumukha mo! Dalhin mo dito bukas! "

Imbes na umatras mas lalong idinikit ng dalaga ang sarili sa isang poste para mas malinaw na marinig ang usapan.

Nakikita niyang galit na galit ang kanyang lolo at anong ebidensiya ang tinutukoy nito?

Kumabog ang dibdib niya sa naisip.

'Hindi kaya ebidensiya kung ano ang pinagagawa ng kalaban? Kung gano'n may alam ang kanyang lolo sa nangyayari! "

Hindi lang pala ito nagsasalita pero marami itong alam.
Pagkakataon na niya para sabihin dito ang totoo.

Nang wala na itong kausap nagsimula siyang maglakad palapit, pero bigla din siyang umatras.

'Stupid ka talaga Ellah!

Anong sasabihin niya kapag nagpakita ka?
Iisipin niyang nakikinig ka sa usapan!

Dis oras na ng gabi anong ginagawa mo sa terrace nang mag-isa?'

Kastigo ng dalaga sa kanyang sarili.

Napabuntong-hininga si Ellah.

Nagpasya siyang bumalik sa kwarto at nahiga. Bukas na lang niya sasabihin ang lahat. Baka nga bigla pa silang magtulungan ng kanyang lolo sa problema ng kumpanya. Atleast hindi na siya mag-iisa.

Hindi na lang ang bodyguard niya na ngayon ay tulog na ang kanyang kakausapin tungkol sa problema!











---
Papasok sa mansyon ng mga Lopez ang kotse ng binata. Kahit na nanganib siya kagabi kailangan niya pa ring magtrabaho para sa kanyang amo.

Naalala niya ang sinabi ng kanyang head noong sinabi ni Vince ang nangyaring tangkang pagpatay sa kanya.

"No one can touch our best asset! Men! Search the area, and bring me evidences! Do not disappoint me! " utos ng head sa kanyang kasamahan.

Agad sinunod ng mga ito ang utos.
Binalingan siya ng kanilang head.

" You didn't tell me Villareal?"

"I'm sorry sir. "

" It's okay I understand, but next time tell me. "

WANTED PROTECTOR Where stories live. Discover now