Chapter 98 The Influence

46 1 0
                                    

Huwebes.

Umaga.

Tatlong araw bago sasapit ang linggo.

Pitong araw ang plano ni Gian sa pagpapataob sa kalaban, ngayon tatlong araw na lang ang natitira.

Ang lahat ng mga ebidensiyang naipon niya sa tulong nina Vince at Isabel ay kumpleto na.

Ang kulang na lang ay ang pagpasok sa teretoryo ng mga ito upang maisagawa ang malinis na pagpapabagsak.

Umalis na siya sa tinitirhang condominium at lumipat sa nabiling three storey bungalow.

Kailangan niya ng lumipat sa mas pribadong lugar para maisagawa nang mabuti ang plano.

Ngayon kasama ang mga tauhan ay nakatutok sila sa isang larawan na nakuhanan niya noon gamit ang spy cam.

Nakatayo at nakapalibot silang lahat sa iisang mesa habang pinag-aaralan ang larawan.

"Ito ang mansyon ni Roman Delavega. Sa loob ng mansyon ay may underground," turo niya sa naka imprentang larawan. "Dito sa dulo ng pasilyo bago mag -exit ay may elevator na may access code. Malalaman agad kung may intruder dahil mag-aalarm. Dalawang elevator ang nandito at noong nagpunta ako diyan ay kasama ko mismo si Roman."

"Wow!" bulalas ng isa sa mga ito.

"Galing niyo naman boss!" saad ng isa pa.

"Noon 'yon, noong plantsado pa ang plano. Dito sa ibaba, nandito ang laboratory nila," turo niya sa napakalaki at napakalawak na pagawaan. "Dito sa dulo, may isa pang daanan pero hindi ko napuntahan at dito tayo dadaan papasok."

"Boss paano 'yan wala tayong ideya kung paano pasukin?" anang kanang-kamay na nasa kanyang tabi.

May kinuha siyang nakarolyong papel at ibinuklat sa mesa. "Ito ang blue print ng kabuuan ng mansyon."

Napahanga ang mga ito at napatingin doon.

"Saan mo ito nakuha boss?"

Napatingin siya sa isa pang tauhan. Tumiim ang kanyang bagang nang maalala ang taong nakatulong ng malaki sa kanyang mga plano ngunit wala na ito.

"Kay Warren, noong nabubuhay pa siya."

Natahimik ang mga tauhan.

"Hihingi tayo ng tulong sa mga awtoridad dahil hindi na lock down kaya na nila."

"Boss kailan natin ito gagawin?"

Dahil sa tanong ni Buloy ay napaangat ang kanyang tingin sa mga ito.

"Sa linggo. Ngayon pagplanuhan nating mabuti ang gagawin para makasigurado."

Ibinalik niya ang tingin sa blue print, nang tumunog ang cellphone.

Dinukot niya ito mula sa bulsa ng pantalon at tiningnan.

"Buloy, ikaw muna bahala rito, may kakausapin lang ako."

"Yes boss," tugon ng tauhan.

Lumabas siya ng sala at sinagot ang tawag.

"Love? Napatawag ka?"

"Gian nasaan ka? Alam mo na ba?" puno ng pag-aalala sa tono ng kasintahan na ikinapagtaka niya.

"Ang alin?" kabado niyang tanong.

"Wanted ka! Wanted ka na naman!"

Dumagundong ang kaba sa kanyang dibdib.

Mabilis siyang nagtungo sa telebisyong nasa harapan.

WANTED PROTECTOR Onde histórias criam vida. Descubra agora