CHAPTER 44 The Evidence

625 24 0
                                    

Kausap ni Gian ang head upang humingi ng tauhang magbabantay kay don Jaime.

"Sige, magpapadala ako ng tao diyan. Kung sakali ngang may kinalaman si don Jaime sa ginagawa ni Congressman ay hindi natin siya pwedeng palagpasin."

Huminga ng malalim ang binata.

Pinababantayan niya ang don para sa kaligtasan nito samantalang pinababantayan ng kanyang head upang dakpin ito kung sakali.

"Wala siyang kinalaman sir," matigas niyang wika.

"Malalaman natin 'yan kapag nahuli si Delavega. Ang batas ay batas Gian, walang utang na loob pagdating sa batas alam mo 'yan."

Alam ng binata na hindi gumagawa ng masama ang don kaya kampante siyang wala itong kinalaman.

Muling tumunog ang kanyang cellphone.

“Vince pare, anong balita?”

“Pare, malaki ang pasasalamat sa’yo ng matanda. Eh sa totoo lang gusto ko siyang barilin din eh!”

“Gago! Huwag mong gawin ‘yan!”

"Oo alam ko. Pinag-aaralan na ni don Jaime ang mga ibinigay mo at kumuha na rin siya ng kilalang abogado para hindi makapagpiyansa ang mga salarin."

“Mabuti. Si don Jaime kumusta?”

“Pinababantayan ko, mahirap na, pinalibutan na ang mansyon nila. ”

"Nga pala pare, tapos na ba ang misyon mo?"

"Tapos na. Tamang-tama nga itong pinapagawa mo eh."

"Anong development? May kinalaman nga ba siya talaga?"

"Inaalam pa pero sigurado akong meron."

"Gano'n ba? Sige pare salamat, nagpadagdag ako ng magbabantay huwag mong paalisin si don Jaime diyan. ”

“Oo sige na pare, binabantayan ko pa si don Jaime. ”

“Salamat. ”

Pumasok ang dalaga.

“Gian, ang daming mga lalaki  na nakabantay sa labas, may politician kaya na dinala dito?”

“Talaga? Saan?”

“Nagkalat sa buong hospital. ”

Lumabas siya kasunod ang dalaga.

Sinalubong sila ng isang lalaki.

“Magandang umaga sir. ”

“Magandang umaga rin. ”

Napakunot ang noo ng dalaga.

“Si Vince ba ang nagpadala sa inyo?”

“Opo. ”

Napangiti ang binata, talagang tinupad ng kaibigan ang sinabi.

Hindi lang si don Jaime ang pinababantayan ng head nila maging siya.

Ang kaibahan lang, pinababantayan siya bilang proteksyon si don Jaime para hulihin kung sakaling may kinalaman ito kay Delavega.

“Kung gano'n, nagpapasalamat ako sa inyo.”

“Walang anuman po sir, trabaho po namin ang bantayan kayo. ”

“Maraming salamat. ”

Muli silang pumasok sa loob.

Hinampas siya ng dalaga.

Napalingon siya rito.
“Aray bakit ba?”

“Hindi mo agad sinabi! Ang pangit mo talaga!”

WANTED PROTECTOR Where stories live. Discover now