CHAPTER 13 The Leaving

747 35 0
                                    

Tahimik na nagtrabaho si Ellah at iginalang 'yon ng kanyang sekretarya.

Pinilit niyang balewalain ang sakit na dulot ng pag-iiwasan nila ng gwardya.

Isinubsob niya ang sarili sa trabaho para kahit papaano ay magiging abala siya at panandaliang makalimutan ang mga iniisip hanggang sa dumating ang oras ng tanghalian.

Tiningnan niya ang cellphone, nagbabakasakali siyang may text si Gian.

Sa mga oras na ito, marami na itong mensahe at paalala sa kanya, pero ngayon wala kahit isa.

Napabuntong-hininga siya at hindi maiwasang makaramdam ng hinanakit.

Ngayon parang gusto niyang magsisi.

Pero hindi.

Ito ang gusto niya kaya paninindigan niya.

Hindi niya alam ang habol nito sa kanya, mahirap lang ito at posibleng kayamanan lang ang habol nito at nahihiya siyang ma sangkot sa isang gwardya lang.

'Ako si Ellah Lopez, apo ni don Jaime Lopez."

Apo siya ng pinakamakapangyarihang tao sa kanilang lugar at ang madungisan ng kahit anong maliit na eskandalo ang kanilang pangalan ay isang malaking kahihiyan.

"Ms. Ellah, lunch time na po," untag ni Jen.

"Sige mauna ka na. "

"Mag pa deliver po ba kayo?"

"Hindi 'wag na."

Nang tuluyang makaalis ang sekretarya ay
nahiga siya sa kanyang swivel chair.

Nararamdaman na niya ang gutom pero tiniis niya.

Bago mag-ala-una nang may kumatok sa kanyang private office.
Agad siyang napabangon, nagbabakasakali siyang si Gian.

"Good afternoon po Ms. Ellah, may papirmahan po sana ako, nagbakasakali lang po akong nandito pa kayo. "

Bagamat nadismaya sa pumasok na empleyadong taga Finance Department ay pinilit niyang ngumiti.

"Sige lang, pasok ka."

Agad niyang pinirmahan ang papeles at muling ibinigay dito.

"Salamat po, lunch po tayo."

"Sige lang"

Umalis na ang lalaki.
Uminom siya ng tubig at muling nahiga.

Masakit na ang ulo niya pero tiniis niya ang gutom, hanggang sa nakatulog siya.

Ala-una ng dumating ang kanyang sekretarya.
Pero nanatili siyang nakapikit.
Parang nawalan siya ng gana sa lahat.

Ang gusto lang niya ay matulog na lang.
Pero pinilit niya ang magtrabaho, muli siyang uminom ng tubig.

"Good afternoon po Ms. nag lunch na po kayo?"

"Oo Jen," sagot niya.

"Ms. may papipirmahan po ako," ibinigay 'yon sa kanya.

"Babasahin ko lang."

"Okay po. " Lumabas na ang sekretarya.

Nakaramdam siya ng inggit sa sekretarya dahil parang wala itong pinoproblema samantalang mahirap lang naman ito, siya itong mayaman pero parang hindi siya nauubusan ng pinapasan.

Ipinilig niya ang ulo at binasa ang dokumento bago pinirmahan.

Sa mga gaya niyang may malaking responsibilidad ay walang lugar ang pagiging emosyonal.

WANTED PROTECTOR Onde histórias criam vida. Descubra agora