CHAPTER 26 The Explanation

607 27 0
                                    

Tumalim ang tingin niya sa lalaking papalabas ng restaurant.

Nag-iisa ito na hinihimas pa ang tiyan.

Nagkubli siya mula sa kabilang bahagi ng sasakyan.

Eksaktong pagbukas nito ng pinto ng kotse ay dinaluhong niya ito mula sa likuran at tinakpan ng panyo na may chloroform ang ilong at bibig nito.

"HMMMPPP!"

Nagpumiglas ang lalaki subalit mahigpit ang pagkakatakip niya subalit nagpupumiglas pa rin ito kaya pinisil na niya ang ugat sa batok nito na siyang mabilis na nagpawala ng kamalayan.

Maagap niya itong sinalo at pinasok sa kotse nito.

Tinawagan niya ang tauhan.

"Greg, hawak ko na ang target."

"Nasaan kayo sir?"

"Nasa Nina's Restaurant kaya bilisan mo!"

"Opo!"

Inutusan niya itong kuhanin sa kinaroroonan nito at dalhin sa Underground.

Magkikita pa sila ni Ellah kaya kailangan niyang magmadali.

Mabuti na lang malapit siya sa pupuntahan nila kaysa rito na manggaling pa ng opisina.

Makalipas ang sampung minuto dumating ang kanyang tauhan.

Inilipat nila ang biktima sa kotse nito.

"Greg bantayan niyong mabuti 'yan may pupuntahan lang ako."

"Opo sir."

Pagkaalis ng tauhan ay saka siya pumasok sa kotse ng biktima at tinungo ang pupuntahan nila ng dalaga.









---

Halos paliparin ni Ellah ang sasakyan.

Nang makarating, agad niyang inihinto ang kotse at mabilis na tumakbo papunta sa dagat.

Pero wala siyang inabutang tao.
Halos tumalon siya sa sobrang tuwa.

Mas masaya pa siya ngayon kaysa noong nauna din siya sa pakikipagkita sa kliyenteng muntik ng hindi sumipot.

Napansin niyang pumupunta lang siya rito kapag may mabigat siyang suliranin.

Pinagmasdan niya ang paligid, mga along tahimik na pumapagaspas, ang araw na unti-unti ng papalubog.

Tiningnan niya ang relo.

Tatlong minuto na ang nakalipas pero wala pa rin ang binata.

Ngayon wala siyang karapatang pilitin ito dahi wala siyang pinanghahawakan.

Una sila ang nagpaalis dito ng walang paalam. Pangalawa sila ang kumuha dito pero biglang ipinagtabuyan. Pangatlo, nandito siya ngayon para magpaliwanag.

Magpaliwanag lang!

Kaya wala siyang karapatang magreklamo. Maghihintay siya at aasang darating ito.

Panay ang buntong-hininga ng dalaga habang nakayuko.
Dalawang minuto uli ang nakalipas. Limang minuto na siyang naghihintay.

Naiinis na lumingon siya sa pinanggalingan.

Naiinis na lumingon siya sa pinanggalingan

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.
WANTED PROTECTOR Donde viven las historias. Descúbrelo ahora