Chapter 65 The Return

58 3 0
                                    

Humigpit ang pagkakahawak ni Gian sa brown envelope bago inilagay sa loob ng dalang pack bag.

Nakapagbihis na rin siya kanina habang naghihintay sa don.

Ito na ang pinakahihintay niya. Makakabalik na siya at may maipagmamalaki na.

Matamang tinitigan ni don Manolo ang binata.

"Are you sure you want to go back in Zamboanga?"

Tumango ang binata.

"Why?" banaag ang lungkot sa mga mata ng don.

Subalit walang ibang nararamdaman si Gian kundi ang makabalik agad.

"I need to save my friend."

Kumunot ang noo ng don.
"Ano bang nangyari?"

"Nasa panganib siya at kailangan niya ang tulong ko. Hindi na ako pwedeng magtagal pa kailangan kong makabalik agad."

Bitbit ang pack bag ay tumalikod siya at humakbang palayo.

Tuluyan na rin niyang kakalimutan ang lugar na ito.

Nandito lang siya upang kunin ang mana at wala ng iba.

Tinahak ng binata ang daan palabas ng mansyon.

Nahagip ng kanyang tingin ang life size picture na naroon.

Ngayon lang niya napagtanto kung sino ang mga ito.

Ito ang mga magulang ni don Manolo na siyang naging ugat ng pagkawasak ng kanyang pamilya.

Ang nangyayaring ito ay isa sa parte ng kabanata ng buhay niya at sa kanyang paglabas ay ang tuluyang pagsara nito.

Huminga ng malalim ang binata at lumabas deretso sa gate.

Mabilis ang lakad niya dahil alam niyang mga matang nakamasid lang kung saan.

Tumunog ang kanyang cellphone sa loob ng bulsa ng pantalon.

Kinuha niya ito at nakitang tumatawag si Isabel.

Kumabog ang dibdib niya bago sumagot.

"Isabel?"

"Gian? Nakaligtas si Vince buti na lang dumating ang mga kasamahan niya."

"Mabuti naman, salamat sa balita."

"Walang anuman kumusta ka na?"

"Ayos lang. Sige may gagawin pa ako eh. Salamat at ingat kayo."

"Salamat ikaw rin."

Ibinaba niya ang tawag at nagpatuloy sa paglalakad.

Nakahinga siya ng maluwag pagdating sa higanteng tarangkahan.

Subalit nawala ang kanyang tuwa nang humarang ang dalawang gwardya.

"Diyan ka lang."

Natigil siya sa paghakbang at humigpit ang pagkahawak sa strap ng bag.

Anong ibig sabihin nito?

"Anong kailangan niyo?" matigas niyang tanong.

Walang sumagot kaya nagtiim ang kanyang bagang.

Hindi naman siguro siya ipapahamak ng kadugo niya kahit pa hindi siya tanggap ng mga ito.

Akmang hahakbang siya ng sumigaw ang isa sa mga gwardya.

"Sinabing diyan ka lang!"

Nagpanting ang kanyang tainga. Iyong lapit niya sa dalawa ay kasabay ng paghablot ng kwelyo ng isa sa mga ito.

WANTED PROTECTOR Où les histoires vivent. Découvrez maintenant