Chapter 53 The Past

60 3 0
                                    


Huminga ng malalim ang don.

"Labing limang taon."

Nanlaki ang mga mata ni Gian.

Hindi siya makapaniwala sa narinig.
Dahil mukhang bagong magkaibigan lang kung ituring nina don Jaime at Roman Delavega ang isat-isa.

"Fifteen years? Pero bakit parang hindi naman magkaibigan ang turingan ninyo? Paano kayo nagkakilala ni Congressman Delavega?"

Huminga ng malalim ang don.

"Hindi na 'yon mahalaga. Ang mahalaga ngayon ay pagbabayarin ko sa ginawa ng demonyong 'yon."

"Don Jaime, kung hindi ninyo sasabihin ang nakaraan ay baka kayo ang magbabayad sa mga kasalanan niya?"

"Ano! Bakit ako? Siya itong muntik na akong patayin!" nababaghang asik ng don.

"Magkaibigan kayo ni Congressman at dahil doon posibleng may kinalaman kayo sa ginagawa niya."

"Pinagbibintangan mo ba ako?"

Unti-unting bumalasik ang anyo ng don.

"Kung wala kayong kasalanan at kinalaman hindi kayo matatakot magsalita tungkol sa inyong nakaraan."

"Wala akong ginagawang masama!
Pwede ba imbes na ako ang atupagin mo ay bakit hindi 'yong kalaban ko?
Tandaan mo Gian Presidente ka ng kumpanya kaya may responsibilidad ka na rin."

"Hindi ang posisyon ninyo ang sangkot dito don Jaime kundi ang inyong nakaraan."

"Puro ka nakaraan! Nakaraan na nga hindi na dapat pinag-uusapan!"

Napailing ang binata.
"Natatakot kayo sa inyong kalaban dahil alam ninyong may laban siya sa inyo hindi ho ba don Jaime?" panghahamon na niya rito.

"Anong pinasasabi mo?"

"Dahil kung wala kayong ginagawang masama hindi kayo matatakot kay Delavega.
Magkaibigan kayo noon ng inyong kalaban kaya magagawa ninyong ilabas lahat ng baho niya pero hindi ninyo ginawa.
Iyon ang nakakapagtaka, magkalaban na kayo pero hindi ninyo magawang idiin siya.
Bakit don Jaime? "

Hinintay niyang sumagot ito ngunit tahimik lang ang don.

" May kinalaman ba kayo sa pinagagawa niya?"

" Wala! "

" Kung gano'n wala ba kayong tiwala sa akin? May iba pa ba kayong pinagkakatiwalaan? Si Ellah ho ba? Alam ba ng apo ninyo ang tungkol dito? "

Napansin niya ang paninigas ng don na tila nangangamba ito.

" Wala siyang alam. Wala siyang kinalaman. Huwag mo siyang idamay! "

" Don Jaime, minsan ang tao natatakot hindi sa kalaban kundi sa kanyang nakaraan.
Kung talagang wala kayong ginagawang masama sasabihin ninyo lahat sa akin. At kung may masama man kayong ginawa noon ay iintindihin ko at pag-uusapan natin.
Hindi rin naman ako malinis don Jaime, kayo mismo ang nagsabi na isa akong kriminal kahit na alagad ako ng batas at hindi ko na mababago 'yon dahil iyon ang nakaraan ko.
Magtiwala kayo, ipinagkatiwala ninyo ang inyong kumpanya sa akin pero ano ang silbi no' n kung hindi kayo mismo ang maprotektahan ko? "

Natahimik ang don kaya nagpatuloy siya.

" Nag-aalala ako sa inyong apo dahil mahal na mahal niya kayo, itinaya niya ang buhay niya para sa inyo, pero hindi niyo siya pinagkakatiwalaan. Napakarami ninyong inililihim sa inyong apo, sa palagay niyo ba himdi siya masasaktan kapag nalaman niya ang tungkol dito? "

" Ayaw ko ng madamay si Ellah dito, " matigas na wika ng don.

" Posible 'yon kapag si Delavega ang nagsalita. "

WANTED PROTECTOR Where stories live. Discover now