CHAPTER 4 The Swan

918 47 0
                                    


Nakasimangot si Ellah ng dumating si Gian, dahil malapit na silang ma late!

Suot pa naman niya ang isa sa pinaka paborito niyang damit, isang black silk na above the knee at may slit sa gitna ng isang tuhod kaya isang legs lang niya ang lilitaw sa tuwing maglalakad. At dahil hakab sa buong katawan, kumorba ang kanyang dibdib at maging ang kanyang beywang.

Ang buhok niya ay inilugay niya lang.

Ilang sandali pa bumaba na siya, napako ang tingin ng mga nasa ibaba.

Tiningnan niya si Gian na titig na titig sa kanya. Muntik na siyang mapangiti kung hindi lang sumagi sa isipan niyang late na siya.

'Ganyan nga maglaway ka mayabang!'

Naalala niyang sinabi nitong may itsura naman siya.

'Pwes ngayon maglaway ka!'

"I have to go Lolo," aniya at humalik sa pisngi ng matanda.

"Aalis na po kami sir."

"Ingatan mo ang unica hija ko ha? Napakaganda pa naman niyan."

"Opo sir."

"Lolo?" saway niya rito.

"Sige na, baka naghihintay na 'yong anak ng kaibigan ko, ingat kayo."

"Yes sir, iingatan ko po ang napakaganda ninyong apo."

"Salamat Gian," sagot ng don.

Nang makalabas na sila ay nagsalita siya.

"What did you say?"

"What?" balik-tanong nito.

"Sinabi mong napakaganda ko."

Natawa ang binata "Hindi naman ikaw ang sinabihan ko narinig mo lang."

Hindi na siya nagsalita pa, para kasing bumabalik na ito sa dati kaya hindi niya dapat sirain kahit naiinis pa siya.

"Saan tayo Ms.?"

"Sa HG hotel."

Inaasahan niya na magsasalita pa ito pero hindi na nangyari.

"Teka nga galit ka ba talaga sa akin?"

"Hindi"

"Kung gano'n bakit ganyan ka?"

Hindi na ito umimik.

"Ano ba? Sisirain mo ba ang gabi ko ha? Ano ba talaga ang problema mo?"

 Late na nga siya tapos ganito pa kung umakto ang kasama niya.  

Napasulyap ito sa kanya.

"Kung gano'n, manahimik ka."

"Nakakapikon ka na, para kang babaeng may period at hindi makausap ng matino!"

"Wala kang kinalaman sa problema ko kaya 'wag kang masyadong mag-isip."

"I know but you're actions make me sick! Apektadong-apektado ka! Wala kang girlfriend hindi ba? Bakit para kang na broken hearted diyan! Nagsisinungaling ka ba sa akin?"

Hindi ito kumibo.

Hindi na naman umimik ang binata.

Kaya humalukipkip siya at iniisip kung ano ang dahilan ng pagbabago nito.

"We're here."

Siya na ang nagbukas ng pinto at mabilis na bumaba.

"Masyado ka na bang excited?
Mag-ayos ka muna pangit ka na."

WANTED PROTECTOR Where stories live. Discover now