Chapter 55 The Interrogation

54 3 0
                                    

Hindi nakasagot ang binata.

Nagkatinginan sila ni Vince.

Alam niyang parehas sila ng iniisip nito sa pamamagitan lang ng tinginan.

Humihingi ng tulong ang kanyang tingin kay Vince at handa itong tulungan siya.

"Sir, maaabswelto si Gian kung magsasalita si don Jaime.
Pero sa dami ng kasalanan ng Alex na 'yon kulang pa ang kamatayan niya.
Isa pa hindi naman gano' n kabigat ang kasalanan ni Gian kay Delavega, sila nga itong may mabigat na kasalanan dahil sa ginawa nila kay don Jaime. "

"Sir, kayo na rin ang nagsabi self defense ang ginawa ko," dagdag pa niya.

Huminga ng malalim ang head.

"Kakausapin ko si don Jaime, hihingi tayo ng tulong para magsalita na siya sa panig niya at nang sa gano'n maaabswelto ka."

Tumango na lang siya at nagpasalamat sa tulong ng head.

"Mag-iingat ka Gian."

"Salamat sir."

Lunabas na ito na naiwan sila ng kaibigan.

"Pare, kaya mo 'yan. Lahat gagawin ko para makatulong."

"Salamat pare."

"Ni hindi ko naisip na hihimas ka ng rehas, tayo ang nagpapakulong hindi tayo ang dapat makukulong.
Minsan tuloy naisip kong sana hindi ka na lang umalis sa pagka pulis."

"Vince, hindi ko pinagsisihan ang ginawa ko, sadyang may mga matitinding pagsubok lang pero kakayanin ko ito lalo pa at lagi ka namang nandiyan."

"Pangako pare, tutulungan kita. Uunahin kita kaysa sa trabaho ko."

"Huwag mong gawin 'yan."

"Makakapaghintay ang kulungan sa mga sindikatong 'yan.
Uunahin ko ang tulungan ka dahil kahit may kasalanan ka pa mas makasalanan sila."

Tumayo si Vince kaya tumayo rin siya.

Kinabig siya nito at tinapik sa balikat.

"Mag-iingat ka pare."

"Salamat, ikaw rin."

Kumalas sila sa isat-isa.

"Kumusta na nga pala ang mga boys?"

"Ah, tama nakalimutan ko, nangungumusta nga pala sila hindi pa nga lang sila makakabisita sa inyo ni Ms. Ellah, alam mo naman busy ang mga 'yon."

"Naiintindihan ko, salamat sa pagdalaw pare."

"Dalaw? Lintek para namang nakakulong ka na. Hindi 'yon mangyayari pare.
Susunugin ko 'to kapag ginawa nila
'yon."

Natawa siya sa tinuran nito.

Masaya siyang nagkaroon ng kaibigan na gaya ni Vince.
Kahit hindi na sila magkasama sa trabaho ay hindi ito nagbago.

Madalas ang mga kaibigan mong kasama sa  trabaho kapag umalis ka na ay hindi ka na nila naaalala.

Ngunit iba si Vince.

Masaya rin siya dahil hindi siya nakakalimutan ng dating head nila.

Tutulungan pa rin siya nito kahit na hindi na siya nagsisilbi sa bayan.

Ngunit alam niyang hindi nito makukuha ang gusto nitong malaman kay don Jaime, nakakalungkot man subalit naiintindihan niya 'yon.

Ayaw niyang madiin sa sitwasyong ito ngunit ayaw rin naman niyang si don Jaime ang madidiin.
Matanda na ito at pinakamamahal ng taong mahal niya.

WANTED PROTECTOR Where stories live. Discover now