Chapter 93 The Endeavor

47 1 0
                                    

Kinabukasan.

Deretso ang lakad niya mula sa hallway papasok ng opisina at walang pakialam sa kumakalat na usap-usapan.

Hawak ang cellphone ay kausap niya ang Presidente ng plantang sinusuplayan nila, ang BGC.
Gusto kasi ng mga itong dagdagan nila ang supply.

"Ms. Lopez I'm sorry but can we cancel the meeting tonight?"

"Why?"

"The Board wants to discuss the proposal."

"Okay sige, Mr. Cruz thank you."

"Thank you rin."

Matapos makipag-usap ay malinaw na niyang naririnig ang usapan ng mga empleyada.

Mas gusto nga niya 'yon para mas madaling malaman ng abuelo.

Kung apoy ang balita sunog na sunog na ang buong kumpanya.

"Ang swerte ni Ms. Ellah ano? Biruin mo napasakanya rin ang isa sa pinakamayamang binata rito?"

"Mas maswerte ang Tan na 'yon dahil pinatulan siya ni Ms. Ellah na apo ng pinakamaimpluwensiyang tao rito."

"Sabagay, pero papayag naman kaya ang Chairman nito?"

Papayag man o hindi walang makakapigil sa kanya.

"Oo nga eh hindi ba ang gusto dati ni chairman ay si sir Gian na wanted na ngayon?"

Nilingon niya ang dalawang babae.

"Sshh, marinig ka."

Nanahimik ang mga ito may iba namang nagsalita.

"Ang akala ko noon si Acuesta ang magugustuhan niya hindi pala."

"Good morning Ms." Nagmamadaling nilapitan siya ng isa sa mga empleyada may bitbit itong folder.
"Paki sign po nito, urgent po para sa purchasing ng materials."

Saglit niyang binasa ang papeles at saka pinirmahan.

Habang nagpipirma ay hindi pa rin naawat ang bulungan.

"Kamukha pa naman ni sir Gian ang Acuesta na 'yon ano?"

Kumuyom ang kanyang kamay at hindi nakatiis na nilingon ang nag-uusap.

"Oras ba ng tsismisan ngayon!" sigaw na niya.

Tumahimik ang buong kapaligiran bago siya humakbang palayo.

Nang tumapat siya sa opisina ay binuksan ng gwardya ang pinto.
"Good morning Ms."

Tumango siya at pumasok. Ngayon lang nagkagwardya sa kanyang pintuan ngayong alam na niya na buhay si Gian at posibleng maulit ang nangyari noong pang-eeskandalo nito mabuti ng handa.

Ngayon pang sila na ni Raven Tan tiyak namang malalaman din nito.

"Good morning Ms." walang ngiti na bati ng kaibigan.

"Jen cancel my appointment tonight, may lakad kami ni Raven."
Nagyaya kasi ito kahapon bilang unang araw ng relasyon nila.

"Okay."

Papasok siya ng pribadong opisina nang muli itong magsalita.

"Talaga bang desidido ka na sa Tan na 'yan?"

"Siya ang para sa akin," matigas niyang tugon.

"Paano kung bumalik si Gian?"

"Pwede ba!" singhal na niya at nilingon na ang kausap. Mas lalong kumulo ang kanyang dugo sa pagbanggit nito sa pangalan ng taong kinamumuhian niya.
"Tigilan mo ang pagkampi sa lalaking 'yon dahil winalang hiya niya ako! Nagpanggap siya!"

WANTED PROTECTOR Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu