CHAPTER 16 The Promise

725 33 0
                                    


Anim na araw ang makalipas.

Isang araw na lang ang itatagal niya sa pagsisintemyento.

At ang huling araw na 'yon ay ngayon!

Ito ang desisyon niyang hindi na pinag- iisipan. Wala na siyang ibang pagkakataon kundi ngayon lang.
Kapag pinalagpas pa niya, wala ng ibang tsansa!

Huminga siya ng malalim.

Nasa loob siya ng basement para mapag-aralan ang sitwasyon, agad siyang napansin ng tatlong lalaking naka palibot sa asul na kotse.

Naglalakad siya habang nakayuko. Nakasunod ang tingin ng mga ito sa kanya.

Alam niyang naghihinala na sa kanyang mga kilos ang mga ito.

May kinuha siya sa bulsa.

"Men! Alert! " bulong ng isa pero sapat para marinig niya.

Agad hinawakan ng tatlo ang kanilang mga baril.

Lintek! Ayos pala itong ipinalit ni don Jaime sa akin.

Pero hindi itinuloy ang pagbunot nang makitang cellphone ang hawak niya.

Ngayon alam na niya kung sino ang leader.

Dumaan siya sa gilid, di kalayuan sa mga ito.
Pero nakasunod pa rin ang tingin ng tatlo.

Naglakad siya ng walang lingon-likod.

Malayo na siya pero alam niyang nakasunod pa rin ang tingin ng mga ito.

Paano niya nalaman?

Binuksan niya ang front camera ng cellphone at siyang ginawang salamin sa tatlong lalaki sa kanyang likuran.

Sinadya niyang magpakita para may malaman pero hindi niya akalaing magaling palang kumilatis ng tao ang tatlong pangit na ito.

Dere-deretso siyang lumabas.

Mahirap pala ang mag suicide!

Hindi siya pwedeng kumuha ng back-up dahil naka leave siya. At higit sa lahat siya ang aatake!

Ayaw din niyang may iba pang madadamay sa suicidal attempt niya.

Kung pwede lang sanang lumapit sa dalaga pag bumaba na ito. Ang kaso baka dulo ng baril ng mga pangit na gwardya ang sasalubong sa kanya!

Naalala niya ang sinabi ni don Jaime.

"Punyeta ka Gian! Hindi ka pala nagpaalam sa apo ko ng umalis ka! Ginagago mo ba ang apo ko? Simula ngayon hinding-hindi ka na makakalapit sa kanya!"

Kung pwede lang sanang lapitan ito na para bang wala siyang nagawang kasalanan ayos na sana.
Tiyak niyang hindi siya kakausapin nito kahit magmakaawa pa siya.

Hindi na rin siya pwedeng pumasok sa opisina.

Kaya walang ibang paraan kundi ito lang!

Kapag pumalpak pa siya rito, mahihiya na siyang magpakita sa dalaga.

Kalahating oras ang kanyang pinalipas.

Inalis lang niya ang tensyon sa mga ito.

Muli siyang bumalik, pero ngayon hindi na siya dumaan sa harapan kundi sa likuran.

Hinawakan niya ng mahigpit ang dalawang baril sa magkabilang kamay.

Pakubli-kubli siya sa sasakyang naroon.

Malapit na siya nang biglang napalingon ang leader agad itong bumunot ng baril pero naunahan niyang tutukan.

Sabay niyang tinutukan ang dalawa habang ang isa ay nakatalikod kagaya ng isa pa.

WANTED PROTECTOR Where stories live. Discover now