CHAPTER 5 The Cap

923 43 0
                                    

Taas ang noo ni Ellah habang naglalakad papasok sa kanyang opisina kasunod niya si Gian at lahat ng madadaanan ay binabati sila.

"Good morning Ms. Ellah!"

Deretso ang kanyang tingin habang may kausap siya sa cellphone.

Ang kanyang gwardya ang sumagot at bumati na rin sa mga empleyado.

Siya naman ay naiinis na sa kausap.

"What do you mean reject Mr. Guevara?"

"Ms. Lopez, I'm sorry to say pero ang pinadeliver mo rito ay hindi man lang umapoy dahil puno ng lupa ang coal."

"What?"

"I have to go Ms. Lopez, I'm sorry," pinatay nito ang linya.

Kausap niya ang Manager ng planta na pinagdadalhan nila ng produkto at sinabi nitong na reject ang sampung truck na pinadeliver niya.

Noon ay hindi naman na re-reject bakit ngayon nangyari na?

Kung susumahin lagpas kalahating milyon ang halaga noon.

Bigla siyang nanghina pagdating sa opisina at sinalubong siya ng sekretarya.

"Ms. May problema po tayong..."

"Jen, papuntahin mo dito ang Production Manager." 

"Yes Ms."

Paglabas nito ay dumako ang tingin niya sa kanyang gwardiya.

"Mr. Villareal, you can go," utos niya at umupo na.

Tahimik namang umalis ang kanyang personal bodyguard at driver.

Sumasakit ang kanyang ulo dahil sa tiyak na lugi.

Ilang sandali pa dumating ang pinatawag niya.

Tumayo siya at agad nag-init ang kanyang dugo nang makita ang lalaki.

 "Ms. I'm sorry hindi ko po na..."  

"Mr. Valdez, alam mo ba kung magkano ang nalugi ngayon dahil sa kapabayaan mo? Seven hundred thousand!"

"Pero Ms. hindi..."

"And that amount is worth for your separation pay!"

Nataranta ang empleyado. "Sandali lang Ms.  Huwag namang ganito, hindi ito makatarungan!"

"Yes Mr. Valdez! Hindi makatarungan! Now I'll ask you, can you bring back the lost?"

Hindi ito nakasagot.

"H-hindi pero paiimbestigahan ko ang nangyari may nag..."

"You don't have the right to investigate because as of this moment you are FIRED!"

"Sandali lang Ms.! Ni hindi niyo ako binigyan ng pagkakataong magpaliwanag! I can file a case against you!"

Kumuyom ang kanyang kamay dahil sa pagpipigil  ng galit sa kaharap.

May karapatan nga naman itong magreklamo kahit pa gustong-gusto na niyang tadyakan palabas.

"Alright! Explain!" Singhal na niya.  "Paanong nangyaring hindi mo alam na hinaluan ng lupa ang produkto? Ano ka nagtatarabaho nang nakapikit!"

"Kasi Ms. nagkaroon po ng emergency sa amin kaya pinabantay ko muna sa Supervisor kaya wala akong alam dito."

"Is that a valid reason Mr. Valdez?"

Sasagot pa sana ito pero binara niya.

"Nang dahil sa emergency mo nalugi tayo ng kulang isang milyon! What if sumabog ang tunnel iyan lang ba ang sasabihin mo? May emergency sa inyo kaya nawalan ako ng negosyo? Nawalan ng trabaho ang libo-libong manggagawa dahil lang may emergency sa inyo!"

WANTED PROTECTOR Where stories live. Discover now